NAG-POST si Angelica Panganiban ng apat na litrato sa kanyang Instagram account. The photos were shots of a Range Rover na ibinebenta pala niya.
“For sale: range rover full size 2009 model super charged for serious buyers only. For price and further details, you can call +63 916 498 0445 (Peter) thank you,” ang caption ng mga photos.
Sinasabing kay John Lloyd Cruz ang Range Rover na ibinebenta ni Angelica. Kung ganoon, eh, bakit siya ang nag-post? Dahil ba siya ang dyowa? At bakit pa niya kailangang isapubliko ang pagbebenta nila ng luxury car?
Hindi ba nila alam na baka maintriga pa sila? Na baka isipin ng mga tao sa social media na naghihirap na sila? Alam mo naman ang mga tao, mahilig mag-speculate.
Marinig lang nilang nagbebenta ka ng iyong mga ari-arian, iisipin nila, naghihirap ka na. Anyway, parang lumalamlam na ang career ni Angelica at maging ni John Lloyd.
Mukhang korek yata ang observation ng iba na minalas na ang career nila simula nang maging magdyowa sila.Hindi masyadong nagre-rate ang sitcom ni John Lloyd na kasama si Toni Gonzaga kaya naman nagbigay ng presscon ang ABS-CBN.
Parang hindi click si Papa Lloydie as a comedian, parang may kulang sa kanila ni Toni, wala silang chemistry. Problemado nga yata ang Dos kung paano nila patataasin ang rating ng show ni John Lloyd.
Talo kasi sila ng kalaban nilang show sa GMA 7.
( Photo credit to Google )