Bagong kaso kay Arroyo

PINAG-aaralan kung isasama o hindi si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa bagong kaso ng electoral sabotage na isasampa sa susunod na linggo kaugnay ng pandaraya sa halalan sa North at South Cotabato noong 2007, ani Commission on Elections chair Sixto Brillantes Jr.

“It’s not sure yet. She may be included or she may not be included. It depends on the final review of the documents because [her involvement] was somewhat not clearly pinpointed,” ani Brillantes.

“It’s only possible [that she will not be charged], because the case is not that strong unlike in the Maguindanao case [filed before the Pasay City court by the Comelec against Arroyo on Nov. 18]. But she can be included because of what the two witnesses are saying,” ani Brillantes.

Turan ni Brillantes ang mga affidavits nina ex-provincial election supervisors sa South at North Cotabato, na sina Lilian Suan-Radam at Yogi Martirizar, na nagsabing inutusan sila ng dating Comelec chair Benjamin Abalos Sr., na tiyaking 12-0 ang resulta ng eleksyon, pabor sa mga kandidato ni Arroyo.

Sa panunungkulan ni Abalos, sina Radam at Martirazar ay kinasuhan ng electoral sabotage sa Pasay.  Pero, iginiit ng dalawa na ang mga kaso ay para pagtakpan ang pagkakasangkot ni Abalos sa pandaraya.

Sinabi nina Radam at Martirazar na inutusan silang duktorin ang resulta ng halalan sa kanilang mga lalawigan.

“It is emphasized that the instructions (came) from the top, which we clearly understood to be the President,” ani Radam sa kanyang affidavit.

Di nilinaw ni Brillantes kung paano isasampa ng Comelec ang bagong kaso gayong may nauna nang electoral sabotage case.

Pero, tiniyak ni Brillantes ang isasampang kaso kina Abalos, Radam at Martirazar. —Inquirer

Read more...