Angel handa nang maging misis ni Luis | Bandera

Angel handa nang maging misis ni Luis

Ervin Santiago - February 12, 2014 - 03:00 AM


TRENDING ngayon sa mga social media ang pag-amin ni Angel Locsin na malapit na silang magpakasal ni Luis Manzano. Marami ang nagtatanong kung bakit parang nagmamadali ang dalawa na lumagay sa tahimik.

Sa interview ni Kris Aquino kay Angel sa Kris TV kamakailan, inamin ng Kapamilya actress na “officially dating” na uli sila ni Luis. Pero hindi niya diretsahang sinabi na boyfriend na niya uli ang TV host-actor.

Sey ni Angel, may mga personal na bagay pa raw silang inaayos ni Luis, pero aniya, patungo na sila sa may mataas na level ng kanilang relasyon. Kinumpirma rin ng aktres na bumisita na ang anak ni Gov. Vilma Santos sa kanyang tatay.

Bigla namang tinanong ni si Angel ng, “Kailan? Mag-iipon na ko!” na ang tinutukoy nga ay ang napabalitang pagpapakasal nila ni Luis. Ang natatawa namang tugon ng dalaga, “Gusto ko yan! Soon na yan, malapit na.”

Hirit naman ni Kris, “You’re turning 29? So mga 31. Nangialam si Ninang? 31 na lang, mag-iipon muna ako. Ha-hahaha!” Na sinuklian din ng malakas ng tawa ng lead actress sa seryeng The Legal Wife ng ABS-CBN.

Naibalita rin ni Angel na hindi pa sila nagkikita uli ni ate Vi mula nang “magkabalikan” sila ni Luis, pero aniya nagpapalitan na sila ng text message at in fairness, masaya raw ang Star For All Seasons sa relasyon nila ngayon ni Luis, “Okay naman, blessed naman na kami.”

Pahayag pa ng aktres sa relasyon nila ni Luis, “Na-realize namin kung ano yung mga mistakes namin before. Ako madami ako na-realize tapos bumabawi na talaga ako.

“So parang inaayos lang namin mga hindi namin na-settle before na mga issues. Pero yung mahal, love, nandun pa rin naman ‘di ba. Hindi naman namin yun nawala.

Inaayos lang talaga namin at pinag-uusapan,” esplika pa ni Angel. Dagdag pa ng dalaga, “Oo, kinain ko lahat ng sinabi ko na hindi makikipagbalikan sa ex…happy naman ako.”

At bago pa tapusin ni Kris ang interview, muli nitong tinanong ang Kapamilya actress, “So, kailan talaga ako magnininang?” Na mabilis namang sinagot ni Angel ng, “Malapit na.”

Pero sa kabila ng magandang balitang ito, hindi pa rin maiaalis na mag-isip ng masama ang ibang tao. Bakit nga kaya parang nagmamadali sina Angel at Luis na magpatali sa isa’t isa? Anyare?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending