Andi hindi magmamakaawa kay Albie para sa sustento


KAYANG palakihin ni Andi Eigenmann nang mag-isa ang anak na si Adriana Gabrielli Eigenmann o si Ellie, hindi raw niya kailangan ng sustento ng taay nitong young actor na si Albie Casiño.

Nagtataka rin ang Kapamilya actress kung saan nanggaling ang balita na gustung-gusto na raw niyang ipakilala ang anak sa tatay nito dahil para sa kanya, kung siya lang ang masusunod, baka hindi na raw mangyari ito kahit kailan.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Andi, ang “ABNKKBSNPLAko?!” kasama sina Jericho Rosales, Vandolph at Meg Imperial, under Viva Films, matigas ang paninindigan nito na palakihing mag-isa ang anak.

“Legally ang technically, wala pang father si Ellie, kasi hindi pa ako married, wala pang nag-a-adopt sa kanya. At yung biological father naman niya, I don’t think he wants to meet her.

“Para po sa akin, I’m not gonna lie to my daughter and I’ll tell her the truth, I’m sorry. Wala akong itatago sa kanya pag lumalaki na siya, pero dadating ‘yun kapag siya na ang may kailangan.

“So, yung pagre-ready na ipakilala siya sa kanyang daddy, it depends on her. I’ll be ready when she wants it, but I’m gonna make sure na hindi para sa kanyang ama – para sa kanya lang.

Mahirap naman kasi yun, paano mo ipapakilala kung…” biting sabi ni Andi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kinilala ni Albie ang anak kay Andi, at inamin ng aktres na mula nang ipanganak niya si Ellie ay wala siyang natanggap na pera o anumang suporta mula sa aktor, “Wala… wala.

Walang anything, walang kahit anong help or acknowledgement from their side. “It’s perfectly fine ‘coz I’m doing… kayang-kaya ko namang palakihin siya mag-isa.

Marami namang nagmamahal sa akin,” nangingiting pahayag pa ni Galema. Nang dumako naman ang usapan tungkol sa hamon noon ni Albie at ng pamilya nito na magpa-DNA test ang bata para patunayang ang aktor nga ang ama, ang sabi ni Andi, hindi na raw ito kailangan.

“For me kasi, it’s not necessary, kasi naman I don’t even want them to be a part of my life. So, kung ayaw nila, di ‘wag! Sa akin, there’s no need. I mean, pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin?

“Yun nga, para sa akin, it doesn’t matter, ‘di ba? I’m happy with my life and, hello, I don’t need them! So, okay lang. “And yun nga, makakahanap din ako ng isang taong mamahalin ako at si Ellie more than her real father.

Alam ng tao kung ano ang totoo and you can’t change that. It shouldn’t be the way it’s written in the book, hindi naman sa ganoon,” diretsong pahayag pa ng Kapamilya leading lady.

Biniro naman ng press si Andi na lumalaki si Ellie na nagiging kamukha ni Albie, aniya, “Oo nga! Ha-hahaha! I received comments from people who were saying that, pero ako, hindi ko nakikita.

Para sa akin, hindi niya kamukha…kamukha ko.”

( Photo credit to Google )

Read more...