Papasa sa board (2) | Bandera

Papasa sa board (2)

Joseph Greenfield - February 12, 2014 - 03:29 AM

Sulat mula kay Erlinda,  ng Janiuay, Iloilo
Problema:
1.      Ako po ay dalagang ina.  Noong una ay itinuring ko itong malaking pagkakadapa sa buhay.  May kahihiyan at higit sa lahat ay kailangang maghagilap ng pera dahil may bubuhayin nang anak.  Pero, ang pag-aaral lamang ang paraan para makaahon at muling tumindig.  Nakatapos din ako at ngayon ay naghahanda para sa board exam sa susunod na taon.
2.    Masarap mangarap na baka suwertehin at makapasa.  Pero, ayaw kong umasa sa suwerte.  Gayunpaman, itatanong ko na rin sa iyo kung makakapasa ba ako at ganap na magiging lisensiyadong propesyonal.  May maganda at masaganang love life ba na nakalaan sa akin?  Ako’y isinilang noong Okt. 20, 1990.
Umaasa,
Erlinda, ng Janiuay, Iloilo
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ang nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban na lang kung sa ika-apat na pag-ibig, isang Aquarius ang sasagutin at magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagtatakda ng magara o kakaibang kapalaran. Kung saan, tulad ng nasabi na, “suwerte sa career malas sa pag-ibig” ngunit sa ika-4 na pakikipag-boyfriend, magiging maligaya ka rin at magkakaroon ng isang matagumpay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na violet, yellow at red. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Erlinda, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mag-alala sa career, dahil sa sandaling kumuha ka ng board exam sa susunod na taon, siguradong makakapasa ka at magiging isang ganap na medical technologist, ngunit sa pag-ibig, dalawang kabiguan pa ang iyong pagdadaaanan, sa ika-apat na pakikipag-relasyon, mabubuo ang masaya at maunlad na pamilya at tuluy-tuloy ka na ring susuwertehin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending