Serye ni Angel inalat, advertisers ayaw sa ‘kabitan’


Naging malaking issue pala ang nasulat naming hindi pinapasok masyado ng advertisers ang soap ni Angel Locsin. Marami kasi ang nagsabi sa amin na despite the fact na napakaraming TV commercial ngayon ni Angel, tila hindi siya masyadong sinusuportahan ng sa kanyang bagong serye.

According to some netizens, one reason daw kung bakit tila walang masyadong pumapasok na commercial sa TV series ng aktres ay dahil mature ang tema ng kuwento. Marahil, mas gusto ng advertisers ang wholesome na mga programa.

Sanrekwang articles nga ang nabasa namin sa social media, each of them trying to explain why it happened. One site said, ang primetime shows ng ABS-CBN na nauna ang timeslot ay talagang pinapasok ng advertisers tulad ng primetime newscast nila and the two soaps that followed it.

Since nasa fourth slot ang teleserye ni Angel ay natural lang daw na kumonti ang ads nito. Gano’n? We beg to disagree, ha. Kasi, kung type talaga ng advertisers ang show mo ay hahabulin ka nila, makikipagpatayan sila para makakuha ng ad space  sa show mo. Gano’n lang ‘yon, no!

( Photo to credit to Google )

Read more...