Anne, Derek, Prima Diva Billy, Michael awang-awa sa mga Yolanda Victims


BAGONG venue kaya bagong ambiance! Iyan ang pinaka-exciting na magaganap sa amin ngayong gabi. Enough na para sa amin ang ilang years na pagpapa-concert sa dating venue na pinagdadausan namin.

Huwag na nating pangalanan at baka makinabang ba ng konting mileage – oks na yung ganoon. Blind item na lang ang pwede nating gawin sa kanila. Ha-hahaha!

We are very happy now dahil with open arms kaming tinanggap ni Mamu Andrew de Real sa The Library (Metrowalk Ortigas) para sa aming “Book of Love”, a pre-Valentine back-to-back concert ng dalawa naming anak-anakang sina Prima Diva Billy and Michael Pangilinan na magaganap ngayong gabi, (10 p.m.), with very special guests Panggas Duncan Ramos and Luke Mejares with Acoustic King Paolo Santos.

Kasama ring magpi-perform ang mga mahal naming sina Ms. Token Lizares (Charity Diva) and the most sought-after comic duo nating sina AJ Tamiza and Le Chazz. We are also introducing the super-guwapong singing Kitchen Heartthrob na si Chef Anton ng Antojos Restaurante.

The concert tonight will be so much fun dahil lahat ng klase ng kanta about love ay maririnig ninyo. Kaya nga “Book of Love” para lahat ng uri ng LOVE ay sakop. Libro na iyan ha kaya walang ligtas. Ha-hahaha!

“Ang layo-layo na ng narating ni Michael Pangilinan sa concert scene. Dati-rati’y mahiyain ang batang iyan pero ngayon, maliban sa he’s oozing with so much appeal onstage and confidence na walang yabang.

Kaya sarap niyang panoorin sa stage, iba na siya talaga. For sure, magiging superstar ang batang iyan pagdating ng araw,” ani Ric Magpayo, isang kaibigan naming palaging nakakapanood ng mga concert ni Michael.

Maganda ang repertoire nina Michael and Prima Diva Billy tonight. And for sure, aapaw ang tao sa The Library dala ng napakarami nilang mga tagahanga na ayaw palagpasin ang every performance nila.

“Pang-international ang boses kasi ni Prima Diva Billy. World-class ang quality ng voice. Puwede nga siyang ihelera kina Mariah Carey and Celine Dion. She’s damn good,” ani Roel Villacorta na humahanga sa galing ni Billy.

Siyempre, bilang nanay-nanayan nilang dalawa, tahimik lang akong nakikinig sa magagandang comments ng mga friends natin pero tumatalon ang puso ko sa galak.

Hindi lang ako nagpapahalata na tuwang-tuwa ako pero deep inside my heart, I’m bleeding with so much joy. Ganyan naman tayong mga nanay, di ba? Ha-hahaha!

First time namin sa The Library and we are looking forward na mapadalas kaming mag-show doon. Kasi nga, napaka-maasikaso nila. Bagong-bago ang lugar and napakaraming naka-line-up na shows doon lalo na this month of February – the Love Month.

And thank God, napakaraming sponsors ang sumuporta sa amin esepcially nung lumipat kami ng venue – kaya thanks sa aming presentors na sina Laguna Gov. ER Ejercito and Isabela Gov. Bojie Dy.

Thanks for the unconditional love and support sa inyong dalawa. Maraming salamat din sa mga major sponsors namin like Joel Cruz Signatures, Aficionado Germany Perfume, Kirei Beauty and Medical Clinic, McQueen Petals Flower Shop, Mang Inasal, Hannah’s Beach resort (Pagudpud, Ilocos Norte), Quadro Frames, Antojos Restaurante, Adonix, Livergold, Ms. Zeny Dayanghirang, Tita Emmie Valdez and Zaldy Aquino.

I just feel so blessed that I have children in this industry like Michael Pangilinan and Prima Diva Billy. In fact, despite their busy schedules, they still found time to join the PLDT’s Gabay Guro charity event sa Tacloban last Sunday sa paanyaya ng super-love naming si Ms. Chaye Cabal-Revilla, butihing maybahay ni Bacoor Mayor Strike Revilla.

Kasama nila sina Anne Curtis, Derek Ramsay, Ate Gay, Joel Olivera, Dax Martin, Ate Redj, among others sa nagpasaya ng ating mga kababayan doon who were devastated by the Yolanda typhoon months ago.

Hindi pa rin kasi nakakabangon sa pagkalugmok ang mga taga-Tacloban to this day kaya halos maiyak ang mga anak-anakan natin nang makita ang kalagayan nila roon.

Iyan ang pinakagusto ko kina Michael Pangilinan and Prima Diva Billy – they have big hearts. Gusto raw nilang bumalik doon one day to take part in more charity events nila.

“Seeing them made me realize how blessed I am. Kaya sabi ko, if I had my way, I’d like to help them. Gusto ko silang tulungan – alagaan – bigyan ng maraming pagkain, lahat-lahat.

Papaano ko kaya magagawa iyon? Sana ako si God para automatic kong mabago ang buhay nila para lalo silang sumaya. Nakakaawa sila, ‘Nay. Tulungan natin sila in our own little way,” ani Michael.

Hayaan niyo na, mga anak. One day ay makakahanap pa tayo ng maraming paraan na makatulong sa kanila at sa iba pang mga kababayan nating nangangailangan.

Basta huwag niyo lang tanggalin sa puso ninyo ang genuine ninyong pag-aalala sa kanila. Keep on praying for them and God will surely hear your prayers. Labyu mga anak ko.

Anyway, basta magkita-kita na lang tayo tonight sa The Library (Metrowalk Ortigas) para sa aming “Book of Love” concert. Mwah!

( Photo credit to INS )

 

Read more...