Spotlight: Ang nag-aapoy na si Sharon

NANGAKO si Sharon Cuneta, ang pinakabagong contract star ng TV5, na lalagpasan niya ang kanyang mga nagawa.

Sa ipinadalang statement sa Inquirer, sister company ng BANDERA, sinabi ni Sharon na “The fire in my belly is back. I have so missed it!”

Matapos ang 23 taon sa ABS-CBN,  pumirma ng kontrata ang Megastar sa TV5 kung sana siya magiging host ng isang talk show at reality show.

Gagawa rin siya ng pelikula kasama ang kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion sa ilalim ng Studio 5 at Viva Films.

Pumirma kamakailan si Sharon ng kontrata sa corporate boardroom ng network sa Marajo Tower sa Taguig kung saan nakasama niya sina TV5 president at CEO Ray Espinosa, executive vice president at COO Roberto Barreiro, at Viva Entertainment’s Vic del Rosario, na siya ngayong manager ng singer/host.

Wala namang nagsabi kung magkano ang halaga ng kontrata pero mayroong mga bulong-bulungan na P1 bilyon ang tag price nito.Maging si Sharon ay tikom ang bibig kung magkano ang kanyang kikitain dito.

“No matter what is written or what you hear, it’s my loyalty that is priceless,” ani Sharon.Sinabi naman ni Vic na “It will be commensurate to her stature in the industry.”

Ang mahalaga umano ay hindi ang pera kundi ang magawa ni Sharon ang mga bagay na gusto niyang gawin.

Ayon sa mga usap-usapan, kasama sa P1 billion package ang pagiging co-producer ng Mega Productions in Sharon sa isang shows ng TV5.

Sa isang SMS, sinabi naman ni Sharon na “(I will) always love my family at ABS-CBN” na si-nundan ng “I am happy to be with the happy network, TV5. I look forward to making new friends—and the best TV shows. I cannot wait to once again make the most of the gifts that God has blessed me with, and I will make sure I use them to the fullest.”

Bago ang pirmahan ay naging mainit ang naging pagsalubong ng mga empleyado ng TV5 kay Sharon, 45.“I’m happy… a little nervous, a little scared, because it’s all new people and it’s a new home,” ani Sharon.

Sa isa namang programa sinabi niya: “Once in a while, you have to make a change in your life. I think at this point… this is the best move for me.”
Sinabi niya na ang kanyang nararamdaman ay maikukumpara sa kanyang naramdaman nang pumasok siya sa ABS-CBN.

Nakipagkita naman si Sharon sa mga ABS-CBN bosses sa pangunguna na chair at CEO Eugenio “Gabby” Lopez III at president Charo Santos-Concio bago siya pumirma ng kontrata sa TV5.—Inquirer

Read more...