Mark Herras pilit winawasak ng isang bastos na basher


Dedma na si Mark Herras sa mga bashers niya. Surprise din para sa amin na isa si Mark sa nagbigay ng birthday cake sa impromptu birthday party cum interview ng GMA Artist Center singer Aicelle Santos kasama ang isa pang La Diva na si Maricris Garcia.

Magkagrupo lang daw kasi sina Aicelle and Mark say ng bidang lalaki ng Rhodora X na part ng TeleBabad ng GMA and no romantic meaning ang pagpunta niya roon.

Nagmamadali ngang umalis si Mark after ibigay ang cake kay Aicelle dahil may flight pa siya somewhere to promote Rhodora X.
Before he went though, nakausap namin siya about his show with Jennylyn Mercado and Yasmien Kurdi at happy siya dahil tumaas muli ang estado niya bilang leading man.

Puro puri siya kina Jennylyn and Yasmien and in fairness kay Mark, marami rin siyang puring natatanggap lalo na nang na post naming ang initial PR picture niya for the soap.

That doesn’t mean na wala na siyang haters dahil Mark is one of the very few male stars na pumapatol sa mga bashers. There is even one famous basher si Mark na may personal hate yata sa kaniya.

Kung ilang beses naming pinayuhan si Mark na dedmahin na niya ito but during the heat of their exchange, sagot nang sagot si Mark. Lately though, tahimik na ang boy  although napapansin namin na dire-diretso pa rin ang basher niya.

Dedma na raw kasi siya sa “kupal” na yun, ang tawag ni Mark sa basher. Hindi naman kasi siya tatantanan ng basher at mas lalo raw itong matutuwa every time na pumapatol siya so huwag na nga lang naman dahil kahit ano ang mangyari, hindi nga siya titigilan noon.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...