Sulat mula kay Erlinda, ng Janiuay, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay dalagang ina. Noong una ay itinuring ko itong malaking pagkakadapa sa buhay. May kahihiyan at higit sa lahat ay kailangang maghagilap ng pera dahil may bubuhayin nang anak. Pero, ang pag-aaral lamang ang paraan para makaahon at muling tumindig. Nakatapos din ako at ngayon ay naghahanda para sa board exam sa susunod na taon. Masarap mangarap na baka suwertehin at makapasa. Pero, ayaw kong umasa sa suwerte. Gayunpaman, itatanong ko na rin sa iyo kung makakapasa ba ako at ganap na magiging lisensiyadong propesyonal. May maganda at masaganang love life ba na nakalaan sa akin? Ako’y isinilang noong Okt. 20, 1990.
Umaasa, Erlinda, ng Janiuay, Iloilo
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Malinaw na malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taon, madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa board exam, sapagkat nakatakda na sa iyong palad ang maging professional health worker.
Cartomancy:
Bagama’t suwerte sa career maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka uli, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades, ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ikaapat na pag-ibig, may itatala ng tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan. Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.