Sarah sobrang ikli na ng buhok, inatake ng matinding depresyon dahil kay Matteo


GRABE! Nag-trending sa mga social networking sites ang lumabas na chika dito sa BANDERA tungkol sa sama ng loob daw ni Sarah Geronimo sa kanyang inang si Mommy Divine.

Ayon kasi sa kumakalat na balita, hiwalay na raw si Sarah at ang rumored boyfriend nitong si Matteo Guidicelli – at ang sinasabi ngang dahilan ay ang pakikialam muli ng mommy ng Pop Princess.

Inutusan daw kasi nito ang anak na huwag na munang makipag-usap o makipagkita kay Matteo. Ang dahilan daw ni Mommy Divine ay para protektahan ang loveteam nina Sarah at Coco Martin na balitang muling magsasama sa isang proyekto ngayong taon.

Sey daw kasi ng nanay ng singer-actress, baka raw maapektuhan ang gagawin nilang pelikula ni Coco kung patuloy ang mga balita tungkol sa relasyon ni Sarah kay Matteo.

At dahil nga raw sa sobrang sama ng loob, ginupit-gupit diumano ng Pop Princess ang kanyang mahabang buhok. Ang chika, ang ikli-ikli na raw ng hair ngayon ni Sarah.

Wala pa kaming nakukuhang kumpirmasyon tungkol dito, pero may nagsabi sa amin na totoo ngang magkagalit daw ngayon si Sarah at ang kanyang nanay.

Pero sa pagbabasa namin ng mga reactions mula sa Popsters, hindi nila nagustuhan ang balita, ayaw nilang tanggapin na ang ginawa ni Sarah sa kanyang hair ay tanda na rin ng pagrerebelde at pagiging depressed.

Parang ang cheap-cheap daw kasi ng balita. Kung natatandaan n’yo pa, ganito rin ang ginawa noon ni KC Concepcion nang maghiwalay sila ni Piolo Pascual.

Talagang nagpagupit ng maikli ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Ang chika, dahil sa sobrang depresyon ni KC sa break-up nila ni Piolo ay nagdesisyon siyang pagupitan ang kanyang napakahabang buhok para mas mabilis siyang maka-move on sa sakit na idinulot ng kanilang hiwalayan.

( Photo creditto Google )

Read more...