HOROSCOPE, FEBRUARY 11, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil malapit na ang full moon may malaking pagbabagong magaganap! Ang lahat ng mga suliranin nuong nagdaang araw ay unti-unti ng lilisan. Sa pag-ibig mainit na romansa ang malalasap. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Mapalad ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.
    
Aries – (Marso 21-April 19)—  Lumayo ka sa mga taong malas, mahawahan ka lang nila. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, mas malamangna magkakahiwlay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—  Walang kaabog-abog bigla mapapasayo ang magandang kapalaran. Pera at masayang pag-ibig ang darating. Ganon paman, laging may naka-ambang tukso na dapat iwasan. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Lilac at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—  Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Jhana-Nama-Om.”  Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—  Pagmalasakitan ang mga kamag-anak, dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sayo. Kung magiging makasarili, hindi ka masyadong uunlad. Sa pag-ibig, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga,  upang mas madali kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag sabayan ng init ng ulo ang mainit napanahon. Sa pinansyal, sa pamamagitan ng diplomasya lalong aangat kinikita. Sa pag-ibig, upang lumamig ang ulo yayain munang mag swimming ang kasuyong Aries. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isa isip, makikita mo paglipas ng 5 taon, mayamang-mayaman na ka na. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.”  Blue at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Umiwas sa mga taong maraming kuwento. May babala na muli ka na namang ma-racket ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang natitirang savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—  Paghandaan ang pagbabalik ng minamahal! Tunay ngang kahit mahirap ang buhay, bigyan mo ng isang romantic na selebrasyon ang kanyang pagbabalik. Kahit na medyo kuripot ka, ilibre mo ang iyong kasuyo, sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong mga pagkakamali. Sa pag-ibig, matapos mong ma-realized na may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng “sorry” upang muling uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dega-Om.” Red at green ang buenas
Capricorn – (December 22 – January 19) —   May magandang kapalarang darating.  Sa pinansyal batiiin ng buong galak ang mga nakatataas sayo upang dagdagan  ka nila ng suweldo. Sa pag-ibig tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—   May kanya-kanyang suwerte ang buhay! Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril  hanggang sa katapusan ng Mayo, darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay, magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang pagpapakumbaba, upang mas madali yumaman at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Read more...