“Wala akong lovelife, matagal na. Walang akong ka-date this Valentine’s Day kungdi si Regine because we have a show together. I am on diet kaya pumayat ako.
I am targeting a certain weight para mas masarap mag-perform when you’re fit, di ba? Less calories, less fat and all. I also go through some exercises to keep fit. Tsaka na ang lovelife once hindi na tayo busy. Ha-hahaha!”
Iyan ang sagot ni Martin Nievera nang kulitin namin kung bakit parang ang pogi-pogi at ang sexy-sexy niya ngayon. And take note, kahit taga-ABS-CBN siya at taga-GMA 7 naman si Regine, ang Valentine show nilang ito ay ipapalabas sa GMA.
Mabuti at pinayagan siya ng ABS-CBN management. “They gave me their golden yes for that. I am very happy that they allowed GMA 7 to air this in their channel. Thanks so much,” dagdag pa ni Martin.
Grabe ang kaguwapuhan talaga ni Papa Martin ngayon. Kaya proud kami sa kaniya. Ibig bang sabihin niyan, mas hiyang siya sa pagiging single? Ha-hahaha! Mwah!