HOROSCOPE FEBRUARY 10, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Matutupad ang hinihiling, kung mamayang gabi habang bumibilog ang buwan ay magwi-wish ka! Hilingin sa buwan na dumami pang lalo ang iyong salapi. Sa pag-ibig, may maligayang pakikipagrelasyon ang darating. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa panahong ikaw ay sagana, huwag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo upang lalo ka pang suwertehin. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang gagawin ninyong pagde-date ng kasuyo sa Valentine’s Day. Mapalad ang 3, 9, 27, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magandang pagkakataon ang araw na ito upang disiplinahin ang sarili.  Huwag masyadong kumain upang masimulan na ang pagpapa-sexy. Ang pagtitipid at pagpapa-sexy ay magbibigay sa iyo ng masaya at maunlad na pamumuhay. Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Om.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang pangako sa minamahal— magbakasyong grade sa Boracay. Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal ng shoot-sa-balde.  Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om”. White at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiya at doon mag-relax at manguha ng mga mangga. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo, saan man magpunta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Ingatan ang natitirang salapi! Huwag gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, itagong mahigpit ang pera upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Shiva-Krisna-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, kahit mahilig komontra ang kapareha ay hindi mo siya dapat itsapuwera. Mag-combine force kayo ng iyong kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimik at mag-swimming sa panahong ito ng tag-araw. Sa pag-ibig, huwag kalimutang bitbitin ang kasuyo sa paga-outing. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Habang sagana, umpisahan na ang pag-iipon. Hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng savings. Sa pag-ibig kung sino ang maraming pera, siya ang matagumpay at maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa araw na ito ay huwag pairalin ang katarayan. Hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang magsusungit. Sa pag-ibig, huwag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Rama-Om!”  Blue at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte; hard work ang kailangan. Matapos magpakasipag, itago ang lahat ng malilikom na pera. Sa pag-ibig, hindi ka iiwan ng kasuyo hangga’t alam niyang mapera ka. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.
Aquarus – (January 20 – February 18)—Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habambuhay! Hindi madadaan sa pandaraya ang mga bagay-bagay. Sa pag-ibig, huwag dayain ang kasuyo, puwede ba na maging tapat ka naman sa kanya! Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Aum-Harim.” Maroon at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Haluan ng panalagin ang relasyon. Mamayang gabi, sa harap ng altar ay magsindi ng kandilang pula, yayain ang kasuyo na ipagdasal ang inyong tagumpay at masarap na suyuan. Sa pinansyal, nakapagpapayaman din ang palagiang pagdarasal. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Read more...