HINDI na nakuntento sa ginawang pagnanakaw ay ginahasa pa ng tatlong lalaki ang dalawang guro sa Kabugao, Apayao kamakailan.
Maliban sa pangga-gangrape sa dalawang guro, iniulat ng pulisya, na pinagsamantalahan din umano ng mga kawatan ang isa pang guro at dalawang mag-aaral.
Base sa ulat, pauwi na sana ang mga estudyante mula sa pagbisita sa bahay ng kanilang guro sa Sitio Taracay, Brgy. Lenneng.
Pero pagbukas nila ng pinto ay tatlong lalaki ang agad na pumasok at tinutukan sila ng baril.
Ayon sa mga saksi, kinaladkad ng dalawa sa mga suspek ang dalawa sa mga guro at halinhinang ginahasa. Minolestiya naman ng isa pang suspek ang dalawang estudyante at isa pang guro na nakatira sa bahay.
Matapos ang pananamantala ay hinalughog ng mga suspek ang bahay at itinakbo ang pera at mga mahahalagang bagay ng mga biktima.
Sumuko naman ang isa sa mga suspek na nakilalang si Wilner Tuvera at kinilala ang mga kasama na hinahantin na ng otoridad.