Luis hindi pinasalamatan si Jennylyn

LUTANGna lutang tiyak sa happiness ang actor at TV host na si Luis Manzano. Pagkatapos umamin na sila na talaga ni Jennylyn Mercado, nanalo pa siya ng award sa 25th Star Awards for TV as Best Male Showbiz-Oriented Talk Show host mula sa kanilang programa na Entertainment Live! every Saturday sa ABS-CBN.

Actually, ‘di lang ‘yan ang napanalunang award ni Luis that night. Win din siya as Best Talent Show Host for Pilipinas Got Talent. Super wait naman ang audience sa Resorts World kung babanggitin ni Luis sa kanyang speech si Jennylyn para i-dedicate niya ang kanyang award.

Well, abangan natin sa E-Live! this Saturday kung doon niya ide-dedicate ang kanyang napanalunang award kay Jennylyn.

Kaya ‘wag itong imi-miss para sa mas marami pang showbiz news mula kina Luis, Nikki Gil, Ogie Diaz at Bianca Gonzales. Magsalita rin kaya on air si Ogie tungkol sa paghihiwalay nila ng landas ni Vice Ganda?

Read more...