Aiza Seguerra magpapakasal na sa GF

ENGAGED na nga ang ex-child superstar at singer na si Aiza Seguerra at ang girlfriend nitong si Liza Diño.
“I’m so happy, I’m still floating,” ayon kay Diño nang kumpirmahin sa Inquirer na nag-propose na ng kasal ang kasintahan nitong Biyernes sa Quezon City.
“I am overjoyed,” dagdag pa Diño. “I still can’t believe it.” Kwento ni Diño, si Aiza nga raw ang gumawa ng buong senaryo para sorpresahin siya.
“I thought we were only acting together in a fund-raising play, ‘Kung Paano Maghiwalay,’ sa Teatro Hermogenes Ylagan sa UP Diliman. We had rehearsals and all.”
Sa dakong huli ng pagtatanghal, bigla na lamang naglabas si Aiza ng diamond-studded sapphire na singsing. Laking gulat na lamang niya ang ginawa ng kasintahan.
“It still hasn’t sunk in. We haven’t made plans yet regarding the wedding details.” Ang kanilang engagement dinner ay gagawin sa Sabado sa Makati. Wala pa ring detalye kung saan magpapakasal ang dalawa.

Read more...