Konting pagtingin (2)

Sulat mula kay Lino ng Fish Port Complex,
|General Santos City
Problema:
1.      Hindi pa ako nakahahalik ng babae gayung paga-25 na ang edad ko.  Papalapit na ang Valentine’s, wala pa rin akong nobya.  Aaminin ko na hindi naman ako kamukha ni Dingdong Dantes pero hindi naman ako masasabing pangit.  Ngayon, meron akong crush na tsiks at nagpaparamdam naman ako sa kanya.
2. Kaya lang, hindi ko alam kung nararamdaman din niya ang pahangin ko.  Ang problema ko, nahihiya akong magtapat o ligawan siya.  Meron din kaya siyang pagtingin sa akin, kahit konti?  Kung compatible kami, pipilitin kong ligawan siya.  Kaya ko kayang gawin iyon? Dec. 7, 1990 ang birthday ko at Aug. 14, 1993 ang birthday niya.
Umaasa,
Lino ng Fish Port Complex, General
Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing crush mo ang nagsasabing compatible kayo, kaya sa sandaling nilakasan mo ang iyong loob na maipabatid sa kanya, sa anomang paraan ang iyong damdamin, tiyak ang magaganap susuwertehin ka, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing katugma mo rin sa Numerology ang babaing crush mo. Kung saan, sa sandaling kayo ay nagkaroon ng relasyon isang romantiko at masayang samahan ang mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang mag-succeed ang iyong plano na maging GF ang babaing crush mo  lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Sa nasabing kulay, wala siyang magagawa kundi ang kusa ka na rin niyang magustuhan.

Lino, suwerte ka sa panahong ito, sapagkat ito na ang simula upang matupad ang mga pangarap mo lalo na sa love life. Tulad ng nasabi na, sa buwan ng Disyembre, magiging girlfriend mo na ang crush na crush mo, upang minsan pa sa sandaling naging magkasintahan na kayo, mabubuo ang isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Read more...