Vice may basbas ng Dos para sa Vhong-Deniece joke


KERI namin ang  pagpapatawa ni Vice Ganda tungkol sa isyu ni papa Vhong Navarro at sa mga taong sinampahan nito ng kaso.
Ilang araw na rin kasi naming napapansin na kapag may oportunidad at swak sa batuhan nila ng punchlines ng mga kapwa hosts niya sa It’s Showtime, talagang naisisingit ni Vice na gamitin ang naging sitwasyon ni Vhong.

Apparently, mayroon naman pala siyang “lisensya” para gamitin si Vhong sa pagpapatawa, dahil mismong ang kaibigan nating TV host-comedian ang nag-request kay Vice na patawanin siya para mas madali ang pag-move on niya sa mapait na sinapit sa kamay nina Cedric Lee.

Well, kering-keri ni Vice ang role kumbaga at wala talaga kaming nakikitang ibang posibleng gumawa nu’n kundi siya lang. Huwag nga lang lumabis sa sobra ang atake ni Vice dahil baka imbes na kabutihan ang maidulot ng ginagawa niyang pagpapatawa ay maging mitsa pa ito ng mas kumplikadong bagay.

Well, sa dami na siguro ng pinagdaanang leksyon ni Vice sa mga katulad na bagay ay natuto na siya at mas responsable na siya ngayon. Besides, we do believe that It’s Showtime management and the ABS-CBN executives will never tolerate Vice nor support his actions if ever they are beyond the broadcast limits.

( Photo credit to Google )

Read more...