On a related item, naglabas na nga ng reaksyon ang kampo ni Vina Morales tungkol sa pagkakadawit niya sa kaso ng dating niyang partner na si Cedric Lee.
Base sa pakiusap ng law firm na nagre-represent sa kanya, wala raw rason para isangkot ang name ng aktres sa gulong kinakaharap ng dati nitong karelasyon at ama ng anak nito.
Lumabas kasi ang balita na diumano’y sinasaktan din daw ni Cedric si Vina noong magkarelasyon pa sila na dinenay nga ng aktres-singer.
Ayon sa isang bahagi ng opisyal na statement ng kampo ni Vina sa pamamagitan ng kanyang abogado, “We refer to the recent news article and video clips whereby the good name of our client, Miss Vina Morales, has been unnecessarily mentioned relative to the controversy surrounding the Vhong Navarro-Cedric Lee incident.
“For the record, contrary to what has been aired or written, our Firm maintains and so holds that the news tidbits with reference to the infliction of the physical violence at any given time to her person by Mr. Lee is purely fictional, conjectural and speculative.”
Okay fine and well-noted di ba kapatid na Ervin? Pero hindi ba nadawit lang naman lalo ang name ni Vina nang minsan siyang magbigay ng tila “patamang” statement sa kanyang Twitter account nu’ng sumabog ang Vhong-Deniece-Cedric scandal.
Dati kasi, nire-refer lang siya bilang isa sa mga nagkaroon ng kunek kay Cedric. Bakit naman sina Patricia Javier at David Bunevacz, mga pamilyadong tao na rin at nagbigay din ng pahayag pero keri lang sa kanila ang reaksyon ng netizens, ke pabor o pinipintasan din sila?
Ay, kasi naman, nasa USA na sila at wala ng career sa bansa, kaya hindi na basta matatakot ni Cedric, ganu’n ba yun? We are not saying na pinagbantaan din si Vina kapag nagsalita laban kay Cedric, pero paano mo nga ie-explain ang biglang pagkambiyo ng aktres?
( Photo credit to Google )