AKO si Feliciano Castillo. May tanong sana ako sa SSS. Ang aking SSS no. 04-0515793-0. Mayroon kasi akong loan sa SSS.
Medyo matagal na yung loan ko at nais ko sanang malaman kung magkakaroon pa uli ng condonation. Ang laki kasi ng penalty.
Gusto ko ng bayaran yong loan ko kaya lang medyo nabibigatan ako sa penalty.
Sana magkaroon na muli ng condonation ang SSS nang sa gayon ay mabayaran na ang matagal ko ng loan. Kailan kaya magkakaroon ng condonation ang SSS?
Umaasa sa pagkakaroon ng condonation ang SSS. Thank you.
Feliciano Castillo
REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Feliciano Castillo hinggil sa kanyang katanungnan kung ang SSS ay magbibigay ba muli ng Loan Condonation.
Sa kasalukuyan, kami ay wala pang ipa-patupad na Loan Penalty Condonation Program. Aming pinapayuhan si G. Castillo na bayaran ang kanyang balanse sa loan.
Ito ay maaaring bayaran ng buo o installment.
Nais lang po naming ipaalam na ang penalty at interest ng loan ay patuloy na madadagdagan hangga’t hindi nababayaran ng buo ang loan.
Kung ang loan ay hindi mababayaran, ang buong halaga ng kanyang utang ay ikakaltas sa kanyang final claim.
Nais po naming ipaalam na bago makapagbigay na loan penalty condonation ang SSS, kinakialangan munang pag-aralang mabuti
upang malaman kung nararapat na bang magbigay nito.
Ito rin ay hindi basta bastang naipapatupad sapagkat ito ay kaila-ngan pang aprubahan ng Pangulo ng Pilipinas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G Castillo. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Departmen
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!t