Vhong bawal munang lumabas sa TV, takot sa resbak ni Cedric Lee


Balitang hindi raw muna lalantad si Vhong Navarro sa TV ngayong nakalabas na siya – itatago raw muna nila ang actor-host habang dinidinig ang kaso niya.

Pero balitang ie-expedite nila ang case na ito para makamit nito ang agarang hustisya sa pinagdaanang ordeal sa kamay nina Cedric Lee and his cohorts.

Tama lang din kung gayon. Hindi kasi natin alam ang lawak ng galamay nina Cedric na balitang very influential and powerful. Kahit sabihin pa raw na tinabla na siya ng mga matataas na opisyal on national television, for sure ay gagalaw pa rin ang mga galamay ng mga ito to protect Cedric.

Iyon daw ang ikinatatakot ng mga otoridad dahil base na rin sa mga experiences nila in the past, normally ay pinapalamig daw ng mga akusado ang isyu bago sila titira nang pailalim.

Nakakatakot nga kung gayon. So, tama lang na talagang kailangang protektahan si Vhong dahil pinangalanan niya lahat ng mga sangkot sa kanilang gulo.

( Photo credit to INS )

Read more...