Bobot Mortiz inako ang kasalanan ni Xian kay ‘Kim Chiu’


Habang papunta kami sa grand presscon ng tatlong Kapamilya comedy shows ng ABS-CBN, kabilang na ang gag show na Banana Nite na nagdiriwang ng unang anibersaryo ay iniisip na namin kung puwede bang itanong ang nangyaring insidente kay Xian Lim kung saan binastos nga raw ang ka-lookalike ni Kim Chiu na si Charmaine sa ginanap na countdown ng Chinese New Year noong Enero 31.

Nasanay na kasi kami na sa tuwing may mga sensitibong tanong ang entertainment media sa mga artista o sinumang taong involved ay parating pinipigilan ng moderator kaya sumasama  ang loob ng ilang taga-media.

Pero sa ginanap ngang presscon ng Banana Nite ay nakalusot naman ang isyu. Ang batikang direktor na si Bobot Mortiz ang nagpaliwanag kung paano ang naging takbo ng pangyayari at inamin mismo ng direktor na siya ang may pagkukulang dahil hindi niya na-inform si Xian na lalabas ang kamukha nga ni Kim Chiu bilang gimik.

Ipinaliwanag nang mabuti ni direk Bobot ang nangyari. “Ako nakaisip na gugudtaymin si Xian. Actually, hindi niya alam na dara-ting na kami nu’n.

Ang problema lang, hindi siya na-brief. Habang kumakanta si Xian, nilapitan siya (ni Charmaine) ‘yung look-alike ni Kim.
“So, ang nangyari, nakatayo lang siya. So, walang nakakaalam nu’ng mangyayari.

May kasalanan din ako na hindi dapat ganu’n yung nangyari.” “Siguro nagulat din si Xian. So, hindi naman kasalanan talaga ni Xian yung nangyari.

Ang gusto namin mangyari, masorpresa siya. Parang miscommunication ang nangyari,” dagdag pa. Marahil hindi nga talaga sanay na hindi nabi-brief si Xian sa mga dapat niyang gawin sa entablado na wala ang ka-loveteam kaya nagulat siya nang nakita ang ka-lookalike ni Kim, sabay tanong ng, “Ano’ng ginagawa ni Bea Binene dito?”

Pero bilang artista may pagkukulang pa rin si Xian dahil dapat naging nice o gentleman siya du’n sa babae kesehodang kamukha pa ‘yan ni Bakekang. Naniniwala  kami na sa mga unguarded moments mo malalaman ang tunay na ugali ng tao.

( Photo credit to Google )

Read more...