Blackwater Sports pasok sa semis | Bandera

Blackwater Sports pasok sa semis

Mike Lee - February 07, 2014 - 12:00 PM

BINURA ng last conference champion Blackwater Sports ang twice-to-beat na hawak ng Jumbo Plastic Linoleum nang iuwi ang 91-81 panalo sa do-or-die game sa PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Jericho Cruz ang nagpasiklab sa mainit na second half game ng Elite habang si Narciso Llagas ang tumulong para layuan na ang Giants at kunin ang huling silya patungong semifinals.

Sa Martes sisimulan ang semifinals at kalaro ng Elite ang No. 2 Big Chill sa larong isasagawa alas-4 ng hapon habang ang No. 1 NLEX ay makakasagupa ang Hog’s Breath Cafe sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ito ang ikaapat na knockout game na hinarap ng Elite at hindi nagdadalawang-isip si Isaac sa kakayahan ng bataan na manalo dahil sa kanilang dedikasyon at disiplina.

Tumapos si Cruz bitbit ang 29 puntos kasama ang tatlong tres, at 17 rito ay ginawa niya sa ikatlong yugto para makabangon ang Elite mula sa 15 puntos pagkakalubog sa ikalawang yugto, 25-40.

Hinawakan pa ng number three seed Giants ang 44-33 kalamangan sa halftime bago nag-init si Cruz. Ang kanyang split bago nasundan ng dalawang tres ang tumabon sa 56-58 iskor nang hawakan ng Blackwater ang 66-63 kalamangan papasok sa huling yugto.

Huling pananakot ng Jumbo Plastic ay sa 73-71 sa free throws ni Jason Ballesteros bago nanalasa si Llagas sa isang three-point play at isang jumper upang pagningasin ang
8-0 run tungo sa 10 puntos na kalamangan sa may 2:51 na lamang sa laro.

May 10 rebounds pa si Cruz habang sina Allan Mangahas, Kevin Ferrer at Llagas ay naghatid ng 17, 14 at 11 puntos.

Si Karl Dehesa ay may 18 puntos para pangunahan ang Giants na nakitaan ng walong puntos lamang ang inaasahang sentro na si Ballesteros.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending