Health issues sa Vhong-Deniece-Cedric scandal

BAGAMAN may naipangako ako sa inyo nitong Miyerkules na sasagutin ko ang inyong tanong, ipagpaumanhin na ipagpapaliban muna natin ulit. Maganda kasi ang topic natin ngayon at hindi na maaaring ipagpapaliban pa.

Mainit kasi ang kwento at tsismis tungkol kina Vhong-Deniece at Cedric, at nagbukas rin sa kung anu-anong kuro-kuro at anggulo sa kung ano ang mga nararapat na gawin at iwasan para sa katiwasayan ng pamumuhay. Eto naman ang ating take tungkol dito.

Bakit natin pag-uusapan ito? Mayroon bang “health implications” ang pangyayaring ito? Ang sagot, meron!!
Umpisahan natin sa huli ng mga pangyayari.
Mayroong bugbugan na naganap at tiyak na may mga bahagi ng katawan na namaga at nasira.

ACUTE TRAUMATIC INJURY: Health Issue #1 ito lalo na kung ang mga physical injuries, blunt man ito o sharp o burn ay permanente kagaya ng pagkawala ng mga sense organ/function gaya ng vision, hearing etc.
Kapag nabugbog ang katawan at nadampian ng pwersa na mas higit pa sa kapasidad ng tissues na matiis ang “energy impact”, ang unang pangyayari ay ang masira ang mga ugat (capillaries, arteries, veins and lymphatics).

Lumalabas ang dugo sa kinalalagyan nito kung kaya’t nagkakaroon ng hematoma. Ang bruise ay nakikita sa balat na maitim, na mas malala sa mga lugar na manipis at malambot kagaya ng sa paligid ng mata (black eye). Mas malakas ang “tissue energy impact” kung ang tinamaan ay may buto sa ilalim, na nakikita natin sa mga sugat at pumuputok na balat sa mga tinatamaan ng kamao ng boksingero.
Kapag tumigil ang daloy ng dugo, ang namuong hematoma ay bumubukol sabay ng pamamaga kaya naman kung nangyari ito sa paligid ng mata, meron nang black eye at meron pang pagsasara ng mga talukap ng mata dahil sa maga.
Ang black eye ay mahina lang kumpara sa mga sitwasyon na gaya ng bone fractures, pagputok o pagkasira ng mga organs, pagkawala ng malay dahil sa pressure sa utak at “functional disruption” na maaring ikamatay kapag puso na ang tumigil sa pagtibok at ang baga ay nawalan na ng hininga.
Ang acute trauma ay isang emergency situation kaya kailangan madala agad sa ospital o anumang health facility upang makita ng doktor at maibigay ang nararapat na lunas.

(Abangan sa susunod na isyu ng Dr. Heal: Ang mga dapat gawin sa mga emergency situation gaya ng pagkakabugbog sa aktor at TV host na si Vhong Navarro).

Inaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. Isulat, i-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera. Sundan sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com. Isulat ang inyong mga tanong, karanasan at paniniwala tungkol sa kalusugan, at ibahagi pati na rin ang inyong mga gawain at pamumuhay (LIFESTYLE) na naghahatid ng magandang resulta sa inyong kalusugan para sa kaalaman ng lahat at lalo na sa inyong pansariling kaangkupan (FITNESS).

Read more...