Fans ni Angel suspek sa ‘pagpatay’ kay Marian

MARIAN RIVERA AT ANGEL LOCSIN

Nagsisimula na namang uminit ang bangayan sa pagitan ng fans nina Marian Rivera and Angel Locsin.

Marian did an interview for GMA’s 24 Oras last Wednesday night for several reasons. Una, she’s happy that she and boyfriend Dingdong Dantes are the cover of a Valentine issue of a magazine. Ikalawa, she mentioned their Valentine plans ni Dingdong that they plan to spend big time.

Belatedly, may sinagot na issue rin si Marian na buhay na buhay siya dahil “pinatay” siya ng mga haters niya sa isang social networking site complete with a fake news and a picture of her na nasa kabaong.

The Facebook page is attributed supposedly to the fans of Angel and according to the said page, “naaksidente” raw si Marian at “nakikiramay” raw sila lalo na sa fans ni Carmela. Of course hindi nga true ito at kaya nagsisimula uli ang bangayan ng fans, dahil pareho silang may bagong soaps in their respective network, magkasabay nag-pilot and almost the same time.

Marian has Carmela sa TeleBabad opposite Alden Richards and so far, very promising both ang kuwento at ang ratings.
Anyways mamaya, sa Carmela, naglalakad si Carmela nang mabundol siya ng isang kotse. Lumabas ang isang tao at doon matitigilan ang dalaga nang makita ito. Windang siya habang kaharap ang taong lumabas mula sa kotse.

Binigyan siya nito ng calling card at inimbitahan na tawagan siya kung may kailangan siyang tulong. Naiinis naman ang kasama ng taong lumabas mula sa kotse dahil nagbigay pa ito ng calling card kay Carmela. Baka raw perahan lamang sila.

Read more...