Sulat mula kay Esther ng Barangay Villaverde, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
1. Nalugi, hanggang sa nagsara, ang gawaan na pinapasukan ng asawa ko. Pero, dahil mabait sa kanya ang kanyang amo, binigyan siya ng separation, service at loyalty pay. Kaya ang kanyang iniuwi ay hindi maliit na pera, gayung ang mga kasama niya ay separation lang.
2. Sapat ang pera para matustusan ang araw-araw naming pangangailangan pero ayaw naman naming maubos na lang dito ang benepisyo mula sa kanyang trabaho. Kaya magsisimula kaming mamuhunan sa negosyo ngayon. Susuwertehin kaya kami sa negosyo? Anong negosyo ba ang angkop sa amin? Ang birthday ko ay October 19, 1971 at May 9, 1971 naman ang birthday ng asawa ko.
Umaasa,
Esther ng Barangay Villaverde, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
T
Numerology:
Samantala ang birth date mo at ang mister mo ay tunay ngang kapag nagsama sa negosyo, siguradong yumayaman. At hindi lang yayaman, kapag nag-concentrate talaga kayo sa binabalak nyong negosyo mayaman na mayamang buhay ang tadhana ninyo.
Graphology:
Samantala ituloy mo lang ang kasalukuyan mong signature na dalawang initial at pagkatapos ay ang aplido mo na tinapos sa mahabang guhit itong pirma mo. Very good ang nasabing signature, upang tuloy-tuloy kayong umunlad at umasenso sa itatayo nyong negosyo.
Huling payo at paalala:
Esther, sa pagpasok ng full moon, simulan ninyo agad ang negosyong nabanggit sa itaas, at pagkatapos gamiting opisyal na kulay ng inyong negosyo ang red. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, kung magsisimula na kayo, sa taon 2019, tiyak ang magaganap – mayamang mayaman na kayo!