BILANG isang taga-Mindanao, ako’y natutuwa sa peace agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Lalagdaan ang peace agreement sa darating na mga araw.
Sana’y matuloy na magkaroon ng kapayapaan sa buong Mindanao upang ito’y umunlad.
Kapayapaan ang inaasam-asam ng mga Mindanawan na dinaranas ang pait ng gera mula pa noong dekada ’70.
Pero hindi rin masyadong umaasa ang mga taga-Mindanao, lalo na yung hindi mga Muslim (Christians and lumads), na matutupad ang peace agreement.
Ngayon pa man ay may bakbakan sa pagitan ng government troops at mga rebeldeng Moro na miyembro ng Bangsa Moro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ang BIFF ay breakaway (kuno!) group ng MILF.
Paano magkakaroon ng kapayapaan kung merong grupo ng mga Moro na nanggugulo?
Bakit di makontrol ng MILF ang kanilang ranggo?
Ang totoo niyan, mahirap kausap ang mga Moro.
Bukod sa wala silang isang salita, marami kang dapat kausapin at aaluin.
Isang grupo lang ng Moro ang kinausap ng gobyerno: ang MILF.
Umaangal ang Moro National Liberation Front (MNLF), kung saan kumalas ang MILF, na hindi sila kinausap.
Even within the MILF, may grupo na dapat ay ki-nausap din at yan nga yung grupo ng BIFF.
May kasabihan sa mga Kristiyano sa Mindanao na kapag binigay mo ang iyong kamay sa isang Moro, hihingin niya pati ang iyong braso.
Magtanong ka sa mga taga-Mindanao na hindi Muslim at patutunayan niya ang aking sinasabi.
Dapat ay isa sa mga miyembro ng government peace panel ay taga-Mindanao.
Si Miriam Coronel-Ferrer, na lead negotiator ng gobyerno, ay hindi tagaMindanao.
Paano malalaman ni Ferrer ang pag-uugali ng Muslim samantalang siya’y taga-Maynila?
Inuulit ko, mahirap kausap ang mga Moro dahil sila’y walang isang salita.
Alam kaya ni Ferrer kung bakit lumaban ang mga Ilonggong magsasaka sa mga Moro noong kasagsagan ng gera sa Mindanao noong dekada ’70?
Ang mga Ilonggong magsasaka ay binigyan ni Pangulong Ramon Magsaysay ng mga lupain sa Cotabato upang tumigil sila sa pakikipaglaban sa gobyerno noong dekada ’50.
Mataba ang lupa sa Cotabato kaya’t madaling nakapag-adjust ang mga Ilonggo farmers.
May mga Muslim na nag-alok sa kanila na bilhin ang kanilang lupain.
May katamaran kasi ang karamihan sa mga Muslim.
Binili naman ng mga Ilonggong magsasaka ang mga lupang inalok sa kanila.
Dahil sila’y masipag ay tumubo ng maraming halaman, punongkahoy na prutas at gulay ang mga lupain na kanilang binili sa Muslim.
Nang makita ng kamag-anak ng mga Muslim na nagbenta sa kanila ng lupa na malaking improvement ang nagawa ng mga Ilonggo, pumunta ang mga ito at sinabing kailangan ay bigyan din sila ng pera.
Sinabi ng mga Ilonggo na binili na nila ang mga lupain, pero sinabi ng mga Muslim na hindi sila nabiyayaan sa perang ibinayad sa lupa.
Of course, sabi ng Ilonggo farmer wala na siyang pakialam
dahil nabayaran na niya ang lupa.
Yan ang umpisa ng away sa Cotabato sa pagitan ng mga Christian settlers at mga Muslim.