Deniece mali-mali ang diskarte, hinukay ang sariling libingan


KAHIT ano pa yatang gawing pagngawa at paghingi ng simpatiya ni Deniece Cornejo sa publiko hinggil sa kaso nila ni papa Vhong Navarro, sa tingin namin ay mas lalo lang niyang ibinabaon ang sarili sa hukay dahil sa kanyang pagpapainterbyu na halata namang puro kasinungalingan.

Gustuhin man naming maawa sa babaeng ito, pero wala talaga kaming maramdaman for her. Sadyang naunahan na kami ng galit at paghusga kahit pa mayroon siyang close friend na lumapit sa amin at nagsabing, “Bigyan n’yo naman ng chance si Deniece.

” Okay fine bigyan ng chance, eh paano yung mga nagawa niyang mga kalokahan? Para sa amin ay hindi lang naman kasi ito isyu ng paghahanap ng katotohanan at hustisya, di ba kapatid na Ervin?

Usapin din ito ng pagpapakatao at pagpapakatotoo. At sa malao’t madali ay mas mababandera pa ang tunay niyang kaugnayan kay Cedric Lee na hindi talaga dapat tantanan ng mga otoridad dahil nuknukan pala talaga ng “kalupitan” ang taong ito.

At puwede ba, pakisabihan ang abogado niya na bigyan naman niya ng kahihiyan ang kanyang propesyon? Kung makapag-emote ang abugadong ito, akala mo….hmppp!

( Photo credit to Google )

Read more...