Kim Chiu kilig na kilig kay Xian Lim | Bandera

Kim Chiu kilig na kilig kay Xian Lim

- November 24, 2011 - 10:34 AM

Halatang kilig na kilig si Kim Chiu kapag si Xian Lim na ang pinag-uusapan. Kitang-kita kasi sa kanyang mga mata ang happiness kapag ang kanyang leading man sa My Binondo Girl na ang topic.

Pero todo denay pa rin ang dalaga na may namamagitan na something special sa kanila ni Xian In fairness, talagang humahataw ang loveteam ng dalawa sa My Binondo Girl, at baka raw sa susunod na project ni Kim ay sila uli ni Xian ang pagtambalin.“Of course, natutuwa ako dahil natanggap nila ako with other partner. Yun yung kinakatakot ko nu’ng una na, naku baka ayaw nila kasi hindi ko kasama si Gerald (Anderson).

So ngayon na-appreciate ko na meron ng ganu’n at meron ng bagong fan club na pumupunta sa taping, nakakatuwa,” chika ni Kim sa isang interview.Nagulat naman si Kim nang sabihin sa kanya ng press na ibinilin na siya ni Gerald kay Xian, “Hindi nga? Ibinilin talaga ang salita? Ha-hahaha!

Thank you dahil naiisip pa rin niya ako and good luck sa kanya at congrats sa success ng show at movie niya. Oo naman, na-touch ako du’n.

Friend ko si Gerald at hindi na siya matatanggal sa buhay ko.”Pero tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Xian, “Naku, huwag naman muna, Jade-Andy muna (mga karakter nila sa My Binondo Girl). Totoong mas nagiging close kami ni Xian, pero lahat naman kami sa Binondo Girl, sobrang bonded namin, isa na si Xian du’n.”“Tsaka wala talagang ganu’n, yung serious-serious. Basta nakakatuwa kasi si Xian patawa siya kahit hindi niya alam na nakakatawa siya.

Talented rin,  pero sa ngayon Team Jandy muna.”Anyway, sa lahat ng mga sumusubaybay sa My Binondo Girl, kung sa totoong buhay ay close na close na ang dalawa, nagkakalabuan naman sila sa istorya ng kanilang top-rating Primetime Bida teleserye.

Tuluyan na kayang mahulog si Jade (Kim) sa patibong ni Amber (Maja Salvador) na desididong wasakin ang relasyon nila ni Andy (Xian)?Maibalik pa kaya ni Andy ang tiwala sa kanya ni Jade? O ito na ang hudyat para muling ipagpatuloy ni Onyx (Jolo Revilla) ang naudlot na panliligaw sa kababata?

Tutukan kung makaaapekto ba ang “LQ” nina Jade at Andy sa kanilang negosyo at ang iba pang mas kaabang-abang na tagpo sa My Binondo Girl, gabi-gabi, pagkatapos ng Budoy sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending