Vhong kailangang ‘GAMUTIN’ matapos babuyin ang pototoy


ISANG taong malapit kay Vhong Navarro ang nakatsikahan ng aming kaibigan at ikinuwento niya ang lahat ng ginawa ni Cedric Lee at ng mga kasamahan nito noong Enero 22 sa condo unit na titirhan sana ni Deniece Cornejo ng dalawang buwan ayon sa tunay na umuupa rito na isang Malaysian.

Halos hindi kami makapagsalita sa nalaman namin kung ano ang mga ginawa kay Vhong dahil hindi na makatao ito, du’n namin naisip na kaya pala panay ang sigaw ng TV host-comedian na binaboy ang kanyang pagkalalaki.

Minabuti naming huwag na lang isulat ito, pero isa lang ang sinigurado ng aming kausap, hindi naman pinutulan si Vhong ng private part tulad ng kumalat na balita.

Balik-tanong nga namin sa aming source, kung hindi ba makakaapekto kay Vhong ang ginawa nina Cedric Lee sa kanya.
“Kailangan ni Vhong dumaan sa therapy at nakakabilib ang lakas ng loob niya, kaya niya ‘yan, makakaraos siya niyan, nasa kanya ang hustisya.

Lalo na ngayon, napatunayang hindi totoong nasira ang gamit sa loob ng unit, so malinaw na set-up talaga,” kuwento sa amin.
As of now ay nagpapagaling pa rin ang TV host sa hospital at hindi pa masabi kung hanggang kailan siya roon dahil marami pang series of tests ang gagawin sa kanya.

Kaya ang pelikula nila ni Angel Locsin ay naka-hold muna.

( Photo credit to Google )

Read more...