‘Vhong-Deniece’ joke ni Vice sa Showtime nakalusot; Anne walang kibo, di natawa


Nag-trending kahapon ang nakakalokang joke ni Vice Ganda patungkol sa iskandalong kinasasangkutan ngayon ng co-host nila sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.

Sa segment kasi ng Showtime kahapon na “I Am Pogay”, tinanong ang contestant kung ano sa tingin niya ang sinisimbolo ng isang hawla. Ang naging tugon ng contestant, “safety” daw.

Dito na bumanat si Vice Ganda at nag-dialogue ng, “For safety! Naku, sabi ko na nga ba, Vhong, dapat nagdala ka ng hawla.”
Biglang tumahimik sa studio, at kahit ang mga co-host ng komedyante ay tila hindi nakapagsalita sa hirit ni Vice.

Pero nagtawanan din ang lahat matapos ang ilang segundo. Sabi na lang ni Vice Ganda, “Sabi niya kasi safety, e! Kung naisip natin yun, e di hindi napahamak yung kaibigan namin!”

Si Billy Crawford naman ang nagtanong kay Vice, “Sa’n mo nga gagamitin ang hawla sa safety?” Na sinagot naman nito ng, “Paglabas ng elevator.”

Dito na talagang umingay sa studio dahil sa tawanan at tilian ng audience, pati na rin nina Vice. Pero kapansin-pansin daw na parang hindi kumikibo si Anne Curtis habang nagtatawanan ang lahat.

Tila hindi yata nagustuhan ni Dyesebel ang joke ni Vice.Nang balingan muli nina Billy at Vice ang contestant sa “I Am Pogay” ay pinagpapawisan na ito.

Humingi sila ng tissue sabay tanong ni Vice Ganda sa contestant ng, “Bakit ka pinagpawisan? Suspek ka ba? Sorry, sorry…!”

( Photo credit to Google )

Read more...