Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa pinansiyal, sa alahas na silver madagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, ang silver na singsing kung laging susuutin ang magpainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver buenas din ang red.
Aries – (Marso 21-April 19)—May malaking halaga ng salapi na darating. Huwag ipagmayabang ang hawak na pera upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap ay aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Susuwertehin ang mga Gemini sa taong ito. Ituloy at dagdagdan pa ang mga pagsisikap upang patuloy na dumating ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig ay piliting magpayaman upang sumaludo sa iyo ang minamahal. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi dapat maging emosyonal. Tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, huwag seryosohin ang kasuyong Leo, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Paikot-ikot lang ang kapalaran. Kung namumrobema man sa pera sa ngayon, masosulusyonan din ‘yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipagrelasyon sa maperang Aries. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans
Virgo – (August 23 – September 22)— Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi ay paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi lalambingin ang kasuyo ay hindi sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar ay mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang hindi muna kayo magkikita. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Huwag munang bilangin ang itlog hanggang hindi pa napipisa. Kumilos lang nang kumilos, imbes na magkuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Huwag mong intindihin ang mga naninira sa iyo dahil ang mas mahalaga ay ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil unti-unti kang umuunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang pagiging makulit ng kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, dagdag-gastos lang ang pagpasok sa isang relasyong bawal. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Unti-unti mo nang matatakasan ang mabibigat na mga problema. Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, huwag mong intindihin ang mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaangihan ka niya. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.
HOROSCOPE, February 05, 2014
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...