Kim Chiu laging etsapwera sa ASAP, mga fans nagreklamo

KIM CHIU AT XIAN LIM

MARAMI kaming e-mail na natanggap buhat sa loyalistang supporters ni Kim Chiu na tila may tampo sa ASAP dahil hindi raw nabibigyan ng solong production number ang dalaga.

Ayon sa isang sender, “Bakit po hindi binibigyan ng solong production number si Kim Chiu? Galit ba sa kanya ang mga taga-ASAP? Kasi parang one of those na lang siya?”

Sabi naman ng isa pang e-mail na talagang Kim Chiu fanatic, “Bakit, malaki naman na ang naiambag ni Kim sa ABS, buti pa si direk Lauren (Dyogi) love si Kim, ‘yung ibang taga-ABS hindi.”

Ayon pa sa ibang fans ng dalaga, siya lang pala ang gusto nila at wala silang pakialam kung sino ang ipa-partner sa kanya as long as nabibigyan ng tamang exposure ang aktres.

Nu’ng pinost nga namin sa Twitter account naming si Coco Martin na ang bagong leading man ni Kim sa upcoming serye ng Dreamscape Entertainment na Ikaw Lamang ay talagang ni-retweet ito ng fans.

Anyway, nangako kami sa fans ni Kim na ipaparating namin ang kanilang hinaing sa ASAP kung bakit wala nga itong sariling production number ang dalaga, e, marunong nga naman siyang sumayaw, huwag lang pakakantahin ha dahil alam naman nating hindi siya singer.

Read more...