Kim, Xian puro na lang sorry, pareho namang mga echosera

XIAN LIM AT KIM CHIU

Some people in the know say na kinakampihan daw ni Kim Chiu ang ka-loveteam nitong si Xian Lim sa nasuungang kontrobersiya – ang pambabastos sa isang ka-lookalike niya sa isang event sa Binondo recently.

Isa lang ang reaction ng marami sa diumano’y pagkampi ni Kim kay Xian Lim – they truly deserve each other kasi pareho silang mga walang respeto sa kapwa at parehong mayabang. Dapat lang pala talaga silang magsama for the rest of their lives dahil pareho ang takbo ng utak at mga bituka nila.

Marami rin naman kaming mga kilalang Chinese friends na mababait at matitino at tanging sila lamang ang nakilala naming walang respeto sa kapwa – pareho silang walang-galang. Very insensitive at kapag nasukol, para lamang ma-save ang mga mukha nila ay kiyemeng mag-a-apologize kahit di naman galing sa puso. Sana nga ay magkatuluyan sila till the end of time, pero paano iyon?

Balitang ayaw ni Kim sa lalaking malamya dahil ang peg niya for a boyfriend ay ang ex niyang si Gerald Anderson? Kaya nga until now ay hindi pa siya nakaka-move on, eh. Gusto raw niya ay barako – ayaw niya ng effeminate. Hasus, iyan ang malaking problema kung gayon. Bahala sila sa mga buhay nila.

Read more...