Queenie Padilla nilayasan na ang showbiz

MARAMI ang nanghinayang at nalungkot sa balitang nag-quit na raw sa showbiz ang anak ni Robin Padilla na si Queenie.

Kahapon, sa ABS-CBN News naiulat nga nag-decide na si Queenie na mas mag-concentrate sa kanyang private life at sa pagiging Muslim.

Ani Queenie sa kanyang interview, “Islam is a way of life. When you start to become a Muslim, you know what your life purpose really is.

I am such a sinful person, but Allah invited me to his house. I am so close to him,” ang pahayag pa ng anak ni Binoe na marami-rami na rin namang proyektong nagawa sa ABS-CBN.

Biglang iniwan ni Queenie ang showbiz nang mag-join daw ito sa Hajj, na sinasabing isang ritwal na ginagawa ng mga Muslim para mapaigting ang kanilang relasyon sa kanilang mga kapwa Muslim.

“When I was in showbiz, I was very unhappy. Actually I already quit showbiz like eight months ago, since my last appearance on TV. I was lost and I always felt I never belong.

But now that Allah is in my life, Alhamdullilah, La illa illalah, I am so happy and content in my life,” litanya pa ng dalaga.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang amang si Robin dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya, “I love him so much because without my father, I might not have been a Muslim.”

Read more...