Piolo nagsakripisyo para sumikat at yumaman si Toni


And speaking of shadow of truth, inamin ni papa Piolo Pascual na sinubukan talaga niyang ligawan noon si Toni Gonzaga. Ito ‘yung time na kalilpat lang ng TV host-actress sa ABS-CBN galing sa GMA 7.

Sa grand presscon ng “Starting Over Again”, naitanong ng isang katoto ang luma nang isyu na ito (13 years ago), since sumikat nga ang linya ni Toni na “I love you Piolooooo!” sa isang  commercial.

Yun kasi ang masasabing nagbukas ng pintuan for Toni para mapansin sa showbiz (though sumasali na siya noon sa singing contests sa TV) na siya namang kasagsagan ng kasikatan ni Piolo bilang matinee idol.

After nga na maging Kapamilya si Toni, talagang gumawa ng effort si papa P na madiskartehan si Toni at nag-umpisa nga yun sa panonood nila ng concert sa Araneta Coliseum.

Aminado naman si Toni na big fan siya ni papa P at malamang na bibigay siya if ever na nagtuloy-tuloy ang panunuyo sa kanya ng aktor pero dahil sa naging pag-uusap daw nilang mas dapat gawing priority ni Toni ang career, matatawag na “sacrifice” ang ginawa ni papa P na pigilan ang kanyang nararamdaman for Toni.

“For how could you deprive or be the cause of a very talented young woman not to pursue her dreams?” simpleng hirit ni Piolo sa sinapit ng very short lived encounter nila.

Kaya nga super worth it ang 13 years for “Starting Over Again” movie project nila dahil bukod sa may napatunayan si Toni sa showbiz, papa P is still a superstar at napaka-espesyal ng proyekto for their kind of maturity at hindi pilit ang mga emosyong kailangan sa mga roles nila.

Naku, basta ang alam ko kapatid na Ervin, suwerteng playdate ang Feb. 12, dahil bukod sa dikit ito sa Valentine’s day eh, birthday pa namin yun kaya makikipag-date na lang kami sa love story nina Papa P at Toni sa kanilang first movie as loveteam na idinirek ni Olivia Lamasan, kasama sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, mula pa rin siyempre sa Star Cinema as part of its 20th anniversary.

( Photo creit to Google )

Read more...