Gerald kay Sarah: Wag kang matakot sa lalaki!

Ang payo ni Gerald Anderson sa kanyang leading lady na si Sarah Geronimo pagdating sa pakikipagrelasyon – huwag matakot umibig uli.

Alam daw ni Gerald na masalimuot at matindi ang pinagdaanan ng Pop Princess sa usaping lovelife kaya naiintindihan daw niya kung hanggang ngayon ay wala pa rin itong boyfriend.

Magkatambal uli ang dalawa sa pelikulang “Won’t Last A Day Without You” at inamin naman nila na mas lalo silang naging close sa isa’t isa habang ginagawa nila ang nasabing pelikula ng Star Cinema.

In fact, nagse-share na raw sila ngayon ng kanilang mga sikreto at iba pang personal na bagay sa kanilang mga buhay.

Say ni Gerald, “Alam naman natin na in every relationship you learn something, may mga nakukuha kang magandang aral na nangyayari sa buhay mo, lovelife man ‘yan o career.

“Sabi ko nga, kapag galing ka sa isang relasyon, nagwo-work naman pero hindi talaga nagtagal,  kailangan may matutunan ka, kung ano man ‘yung maganda at kung ano ‘yung pangit,” chika ng aktor.

“And alam naman natin lahat ang naging sitwasyon ni Sarah, di ba? Talagang marami siyang na-experience, marami siyang pinagdaanan, kaya ang masasabi ko lang sa kanya, bilang isang kaibigan, ang advice ko huwag siyang masyadong matakot pumasok sa bagong relationship.

“I know, this time, sa mga pinagdaanan niya, alam na ni Sarah kung paano ‘yun iha-handle,” pahayag ni Gerald na parang ang dami-dami nang alam sa issue ng pag-ibig.

Anyway, mainit na pinag-uusapan ng bayan ngayon ang kahahantungan ni Budoy, ang karakter ni Gerald sa advocacy primetime series ng ABS na Budoy. Ito’y  matapos ngang maaksidente at mahulog sa bangin si Budoy.

May namuo ngang dugo sa utak ni Budoy at wala pang kasiguruhan kung ito ay babalik pa sa ulirat at magigising pang muli.

Sa pagharap ni Budoy sa malaking hamon sa kanyang buhay, haharapin na rin ni Elena (Janice de Belen) ang kanyang kinatatakutan at sasabihin na kay Luisa (Zsa Zsa Padilla) ang tinatagong lihim na si Budoy ang tunay at nawawala niyang anak.

Anong pagbabago ang magaganap sa pamilya Maniego sa paglabas ng katotohan sa pagkatao ni Budoy? Paano ito tatanggapin at pagtatakpan ni Grace (Mylene Dizon) lalo pa’t malalagay sa alanganin ang anak niyang si BJ (Enrique Gil)?

Pakatutukan gabi gabi ang Budoy pagkatapos ng Ikaw Ay Pag-Ibig sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read more...