‘Balikbayang’ ex-BF (2)

Sulat mula kay Lydia, ng Hinabangan, Samar

Problema:

1. Nanghihinayang ako dahil nag-break kami ng boyfriend ko pagkatapos ng mahabang panahon ng masaya at tahimik na relasyon. Isang araw ay nadiskubre ko na nakikipag-text siya sa babae na hindi kakilala o pakikipag-kaibigan ang mensahe. Nadiskubre kong nag-eyeball din sila habang ang paalam niya ay may inaasikaso lang siyang official business. Nang di na ako makatiis ay sinita ko siya at di na siya nakapagsinungaling.

2. Nag-sorry siya. Kaibigan lang daw niya iyon. Okey na sana pero nahuli ko na naman siyang nakikipag-text sa babaeng iyon. Kaya, nakipag-break na ako. Lumipas ang taon at ngayon ay bumabalik siya sa akin. Wala na raw sila ng babaeng iyon. Hindi ko maintindihan ang aking damdamin. Parang umiibig na naman ako sa kanya. Tatatanggapin ko ba siya? Natatakot ako na baka lokohin na naman niya ako. Kung sakali tanggapin ko muli siya, kami na ba? Compatible ba kami?

Umaasa, Lydia, ng Hinabangan, Samar

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos mong makipag-break sa boyfriend mo na tulad ng nasabi na sa Cartomancy at Palmistry na hindi na kayo magkakabalikan, isang lalaking Capricorn, ang manliligaw sayo at sasagutin mo, kung saan ang ikalawang boyfriend mong ito ang makakatuluyan.

Numerology:

Ang birth date mong 17 ay nagsasabing matapos mong makipag-break sa dating boyfriend mo na hindi na nga kayo magkakatuluyan, magkakaroon ka ng boyfriend sa ikalawang pagkakataon na isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29 at siya na ang makakatuluyan mo.

Graphology:

Ang lagda mong mapangit ang simula, pero gumanda na rin sa gitna hanggang sa dulo ang nagsasabing matapos kayong mag-break ng ex-boyfriend mo, sa ikalawang pakikipag-boyfriend tulad ng nasabi, sa pag-ibig at pakikipag-relasyon tuloy-tuloy ka ng magiging maligaya.

Huling payo at paalala:

Lydia, ayon sa iyong kapalaran, hayaan mo nang tuluyang mawala o tuluyan na kayong magkahiwalay ng boyfriend mo, dahil ang totoo nito, tulad ng nasabi na, hindi na kayo magkakabalikan, kaya ngayon pa lang mas makabubuting limutin mo na siya. Sapagkat sa ikalawang pakikipag-boyfriend na darating sa taon, sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo, tulad ng nasabi na, sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon habambuhay kang magiging maligaya.

Read more...