HOROSCOPE, FEBRUARY 04, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Bigla ang dating ng suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal. Anomang magandang kapalaran ang dumating, ingatan mong mabuti, dahil kapag umarte-arte ka pa, bigla ring mawawala iyan. Mapalad ang 1, 19, 28, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yamuna-Yasoda-Om.” Mapalad ang yellow at blue.    
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, hindi dapat guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Kapag payapa ang isip mas maraming suwerteng darating, ganon din naman sa pag-ibig, kapag payapa ang isip, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Agla-Aum-Aum-Aum!” Pink at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kailangan patawarin ang mga taong nagkasala sayo. Kapag marunong kang magpatawad, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, isang nilalang na naka-kulay red ang may lihim sayong pagnanasa. Mapalad ang 9, 18, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 14, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om”. Purple at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Upang yumaman, kailangang sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Tandaang hindi nakapagpapayaman ang bait at awa.  Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng minamahal.  Oohan mo lang siya ng oohan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Leo (July 23 – August 22)—             Iwasang makasakit ng damdamin. Kikita ng malaking halaga kung hindi magiging prangka. Lagyan ng landi at lambing ang pakikipag-usap. Sa pag-ibig, lambingin ang minamahal, i-kiss mo siya sa neck. Mapalad ang 1, 10, 28, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Absin-Galla”. Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—              Ito ang tamang panahon upang daigin ang iba. Ituloy ang balak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at pagkain. Sa pag-ibig panahon na upang muling pag-alabin ang relasyon, sabay kayong mag-swimming ng kasuyo. Mapalad ang 4, 15, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Red at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—        Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maaakit ang suwerte. Sa pag-ibig, kung maliligo kang lagi, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Omne-Mihi-Omne-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Nasa sarili pagsisikap ang ikauunlad. Wag  umasa sa ibang tao. Sa sariling diskarte mas madali kang aasenso.  Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay panandalian lamang. Mapalad ang 8, 16, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Cumuntantis-Soliferum-Aum”. Maroon at pink ang mapalad.
 Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Sa pinansiyal, imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Wag masyadong maging mahilig sa pagkain, upang hindi ka tumaba. Mentras sexy kang tingnan mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 42, at 40. Mahiwaga mong mantra:  “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”. Pink at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  May immoral na relasyong nagbabanta. Madaragdagan ang iyong gastusin, kung patuloy kang magtataksil. Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging matapat sa kasuyong Libra. Mapalad ang 7, 23, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Urbba-Minna-Om”.Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat pagsabay-sabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate ka lang sa isang negosyo. Sa pag-ibig, iukol ng buong-buo sa kasuyo iyong atensyon, upang higit kang lumigaya. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Factum-Pulcrum-Dominum-Om.” Green at white ang buenas.

Read more...