Leksyon para sa mga Vhong, Cedric at Deniece

BAKIT pinakialaman ni Vhong Navarro si Deniece Cornejo gayong kilala niyang hawak ito ng negosyanteng bully na si Cedric Lee? O maniniwala ba tayong hindi alam ni Vhong na “special friend” ni Cedric si Deniece?

Importante ang mga tanong na ito sa nagaganap ngayong demandahan ng magkabilang panig. Serious illegal detention and serious physical injuries with extortion na walang piyansa vs Cedric et. al samantalang ikinaso naman kay Vhong ang rape, isang kaso na wala ring piyansa.

Sabi ng NBI, imposible ang rape sa loob ng isang minuto kung babasehan ang mga kuha ng CCTV ng Forbeswood Condo noong January 22.

Sabi naman ng abugado ni Cedric, na si Atty. Howard Calleja, hindi naman reliable o kapani-paniwala agad ang mga CCTV dahil pwedeng ma-tamper ito.

Mahina rin daw ang serious illegal detention dahil dinala naman ni Cedric si Vhong sa pulisya, sabi pa ni Calleja. Taliwas sa sinasabi ng NBI na malakas ang kaso dahil suportado ng CCTV, testimonya ng mga gwardya at mismong si Vhong.

Kung susuriin, buo na ang public opinion dito at sa pananaw ng marami ang may kasalanan ay si Cedric at grupo nito sa punto ng pambugbog-sarado at pangingikil kay Vhong, lalo pa na hindi niya inaamin ang tunay niyang relasyon kay Deniece.

Dalawa ang anak niya sa una at pinakasalang asawa. Meron din siyang isang anak kay Vina Morales. Naging girlfriend niya sina Klaudia Koronel, Patricia Javier atbp. Ang sabi ni Cedric, sumaklolo lamang siya sa kaibigang si Deniece na ginagahasa raw noon ni Vhong.

Maski si Vhong ay marami ring dapat ipaliwanag. May live-in girlfiend siya pero sumasalisi pa. At talagang may pagka-manyak daw ito sa babae, sabi ng ilang mga kapwa artista.

Nakakalungkot ding isipin ang nagaganap na ‘biases” o pagkiling sa radio at tv news reports ng ABS-CBN2 para kay Vhong at GMA7 para kay Deniece na kaanak daw ng isang newscaster dito.

Isipin niyo 65 percent ng TV patrol at 24 oras gabi-gabi ay nakatutok sa kasong ito na para bang ito na ang pinakaimportanteng isyu.

Pero sa isang banda, marami ngang leksyon dito. Kwento ito ng isang batang-batang modelo na mahilig mag-boyfriend ng mayayaman basta sunod sa layaw at ibabahay siya. Kwento ito ng isang may asawang negosyante na mahilig anakan ang mga babaeng artista at binabahay pa ang mga batang batang modelo. Kwento rin ito ng isang hiwalay sa asawang pa-cute at pa-wholesome na lalaking artista na sa gabi pala ay salisi at kamanyakan ang lakad.

At sa dakong huli, sila ay nagkabistuhan. Si babae na gustong mag-artista at makatikim ng iba. Si aktor na gustong tikman si babae. At si negosyante na natuklasang tinotorotot pala siya ni babae at aktor. Mabait pa nga si negosyante, pinabugbog lang at hindi pinapatay si aktor.

Kung si Chavit iyon, pitpit sarado ang kargada ni aktor kundi man nawala na lang na parang bula.

Pero may kayabangan itong si negosyante, gumawa pa ng “script” na parang pelikula ang nangyari. Inabutan niya raw nakapatong at sumaklolo lang siya at gusto tayong paniwalain ng lokong ito. Mas maganda pa nga kung aminin na niya, inaagaw ni Vhong ang ginarahe niyang si Deniece kaya niya binugbog. Mas madali pang intindihin ng tao.

Read more...