Sikreto nina Matteo at Sarah buking na buking ni Robi


Hindi lang mga Popsters ang naniniwalang magkarelasyon na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kundi pati na rin ang mga kaibigan nila sa showbiz.

Isa na nga riyan ang co-challenge master ni Matteo sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles na si Robi Domingo. Sa presscon ng Biggest Loser, natanong ng press si Robi kung ano ang feeling niya kina Matteo at Sarah, nagse-share ba sa kanya si Matteo tungkol sa relasyon nila ni Sarah, a“’Di naman everything, he gives me advice.

Siya yung maraming experience e, tips lang sa panligaw. I am not sure with that. “Masaya siya pero ‘di niya kinu-confirm kung kanino pero alam ko naman na si Coach Sarah.  Nag-host ako ng The Voice of the Philippines.

Si Coach Sarah, nakikita ko, masaya when we’re doing the episode of this show. Sabay ng The Voice ito, nakikita ko kung gaano sila kasaya.

“Si Coach Sarah ganu’n, ‘di ba? Drained na drained with the blind audition pero habang tumatagal, nakikita ko yung glow sa kanya hanggang sa live show.

‘Tapos nalaman ko na lang na may balita na sila, ‘Oy Matty, parang iba ang liksi mo ah.’ I can say na iba talaga si Matteo ngayon,” chika ni Robi.

Pero kahit na ano pa ring kulit ang gawin ng press kay Robi ayaw pa ring kumpirmahin ng TV host ang real score sa dalawang Kapamilya stars, “Well, nasa kanilang dalawa yun, I think I’m not in the position to confirm that one, but all I can say is that they’re really happy, and they respect each other so much.

Dagdag pa ng binata, “Si Matteo kasi, sobra niyang nirerespeto yung family ni Sarah, and si Sarah naman, nirerespeto yung family ni Matteo.

Although one time lang naman ito, I was out of ABS-CBN ‘tapos nagtanong lang si Matteo, ‘Bro, saan ba puwedeng bumili ng malaking rose?’ Di ko na inalam kung sino pero siyempre ‘di ko na alam kung para kanino. Matagal na yun.”

Read more...