Sulat mula kay Lydia, ng Hinabangan, Samar
Dear Sir Greenfield,
Nanghihinayang ako dahil nag-break kami ng boyfriend ko pagkatapos ng mahabang panahon ng masaya at tahimik na relasyon. Isang araw ay nadiskubre ko na nakikipag-text siya sa babae na hindi kakilala o pakikipagkaibigan ang mensahe. Nadiskubre kong nag-eyeball din sila habang ang paalam niya ay may inaasikaso lang siyang official business. Nang di na ako makatiis ay sinita ko siya at di na siya nakapagsinungaling. Nag-sorry siya. Kaibigan lang daw niya iyon. Okey na sana pero nahuli ko na naman siyang nakikipag-text sa babaeng iyon. Kaya, nakipag-break na ako. Lumipas ang taon at ngayon ay bumabalik siya sa akin. Wala na raw sila ng babaeng iyon. Hindi ko maintindihan ang aking damdamin. Parang umiibig na naman ako sa kanya. Tatatanggapin ko ba siya? Natatakot ako na baka lokohin na naman niya ako. Kung sakaling tanggapin ko muli siya, kami na ba? Compatible ba kami?
Umaasa,
Lydia, ng Hinabangan, Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Posibleng hindi na kayo magkabalikan ng ex-boyfriend mo at kahit na kayo magkabalikan, malamang na mag-break din kayo, ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad. Pansining magulo at biyak ang unang Marriage Line arrow 1., habang maganda at maayos naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin, hindi ang unang boyfriend ang makakatuluyan mo kundi ang ikalawa mong boyfriend na paparating pa lamang.
Cartomancy:
Five of Hearts, Four of Hearts, at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ang susunod mong boyfriend ay higit na mas bata sa iyo ng apat na taon ang edad kung saan, maikilala mo siya sa iyong pinapasukang trabaho, kompanya o sa inyong opisina.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.