REYNANG-REYNA ang dating ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa grand finals ng That’s My Tomboy. After the show, pinalibutan ng mga tomboy si Ai Ai at inalalayan papunta sa dressing room niya.
“Reyna ako ng mga tomboy? Ha-hahaha! Dito lang sa That’s My Tomboy. After noon tapos na,” masayang bungad ng komedyana. Dalawang beses naging hurado si Ai Ai sa That’s My Tomboy at karamihan sa contestants ay favorite siya.
Pero noon pa man ay lapitin na ng mga tomboy si Ai Ai. In fact, most of her friends are lesbian. Mula noon hanggang ngayon nandiyan pa rin ang mga tomboy friends niya.
Even ang nakilala lang niya sa social media site na si Danny, a former athlete in Greece, ay pumunta ng Pilipinas just to see her at dito na tuluyang tumira sa bansa, “Kung gaano na ka-accept ng mga tao ang mga bakla, it’s about time na ‘yung mga tibo naman ang mag-shine. Sabi nga nila, equality,” sambit niya.
Namumula naman ang mga mata ni Ai Ai habang kausap namin. Halos wala raw siyang tulog dahil nag-celebrate sila ng 23rd birthday ng panganay niyang anak na si Sancho the other night.
“Super happy siya, sabi nga ni Ate parang ano, e, kapag pumalakpak parang mapuputol na ‘yung kamay niya, e. Lahat ng atensyon ko nasa kanya, e,” ngiti ng Comedy Queen.
Ayaw pasabi ni Ai Ai kung ano ang regalo niya kay Sancho. But definitely, it’s really something worth more than the malakas na palakpak ni Sancho.
“Umiyak nga siya, e. Actually, may iba sana akong gustong iregalo sa kanya kaya lang ano, wala pa kaming budget. Gusto kong palitan ‘yung car niya, e. Kaso magde-debut pa ‘yung kapatid niya, si Sofia sa States.
Kaya konti-konti lang muna. Patas-patas lang,” kwento ni Ai Ai. Sa April 15 magde-debut si Sofia pero sa 19 daw ise-celebrate sa Amerika. Sad to say, ‘di makakapunta roon si Ai Ai.
Hindi raw siya pinayagan dahil may serye siyang gagawin sa ABS-CBN. Maraming anak ng artista pala ang magde-debut this year, huh! Mage-18 na rin sa April ang panganay na anak ni Sir Chief na si Richard Yap kay Melody.
At sa May naman ang anak ni Pokwang. Naglalakihan na ang mga anak ni Ai Ai. Susunod niyan ay mag-aasawa na rin sila, “Naku, kasal agad? Nasa debut pa lang, e.
Ay, hindi pwede. Kahit si Sancho, huwag muna. Mag-ipon muna siya.” Nag-audition na si Sancho para sa Pinoy Big Brother and she’s praying na makapasok ang kanyang anak sa reality show, “Siya ang may gusto noon, e.
Gusto niyang mag-artista. Ako lang ang ayaw. E, malaki na siya ngayon kaya okey na. E, gusto ko makatapos muna siya ng pag-aaral. Alam ko mahilig mag-artista na nag-aaral, tapos nagtatrabaho.
Ah, mahirap. So, ngayon, paisa-isa lang.” Nagtapos ng Culinary si Sancho kaya okey na kay Ai Ai na mag-showbiz si Sancho.
Samantala, Subaru ngayon ang tatak ng kotse ni Sancho.
Tinanong namin si Ai Ai kung ano na ang nangyari sa Camaru na kotseng binigay niya sa ex-dyowa niya na si Jed Salang.
“Wala na ‘yun, nabenta na ‘yun. Praise God,” pasalamat niya.
Kumpirmado rin na tinanggal na ni Ai Ai ang mga bodyguard niya. Matagal na raw niyang inalis ang bodyguards niya dahil tapos na raw ang kasong isinampa niya.
Ayaw pa rin magbigay ng comment ni Ai Ai regarding her friendship na si Kris Aquino when we asked her kung may kinalaman ba ang alitan nila sa pag-alis niya ng bodyguards niya.
“Bago pa naaprubahan ‘yung divorce, wala na sila. Pinapasyalan lang nila ako. Kasi nami-miss talaga nila ako. Kasi sabi nila ang bait-bait ko raw. ‘Di ba, ‘noh,” sabi ni Ai Ai sa isang dati niyang bodyguard from Philippine National Police.
Hindi raw sila member ng Presidential Security Group. Kinuha sila ni Ai Ai at binabayaran, “Noon pa sila wala (sa akin). Nu’ng lumipad na si Jed to America, wala na sila. Oo, safe na ako,” ngiti niya.
Sa pag-aapruba ng diborsiyo sa kasal niya kay Jed feeling niya may closure na sila. Sa kabila nito, ayaw pa rin muna niyang magpakasal if ever may makakarelasyon siya ulit.
Pero kahit naayos na ang divorce nila ni Jed, matigas pa rin si Ai Ai sa pagsasabi na ayaw niyang maging kaibigan ang ex-hubby niya. “Ayokong makipag-friend sa kanya. Nightmare, tama,” seryosong sabi ni Ai Ai.
( Photo credit to Google )