Nakiusap na sa mga fans nila ni Piolo
Inayos kaya ni KC Concepcion ang gusot sa pagitan nila ni Piolo Pascual kaya wala siya sa The Buzz last Sunday?
Nagsabi kasi si KC sa kanyang Twitter followers na hindi siya aapir sa The Buzz dahil may importante siyang gagawin.
“I will miss u all on Buzz today…i need to deal w/something major & personal…hope u understand. I need ur prayers & support. Love u all,” tweet ni KC.
May kinalaman kaya ang napapabalitang hiwalayan nila ni Piolo sa hindi niya pagsipot sa Sunday showbiz talk show ng Dos?
Isa ngang fan ni KC ang nag-tweet para magbigay ng support sa dalaga, “Hi KC! Hope ur in ASAP/TheBuzz 2m! Enjoy CamSur 4 nw & dnt mind d INSENSITIVE tweets frm ppl who dnt seem 2 undrstand ur pain,” ang tweet ni hemzie_rota.
KC immediately replied, “Thank u @hemzie_rota …maybe they don’t understand yet, because i haven’t said much about the situation. i’ll be ready very soon… thank u.”
Hintayin na lang natin kung ano ang susunod na ibabandera ni KC tungkol sa estado ng relasyon nila ni Piolo. This time kaya ay umamin na sila na talagang wala na? Na talagang hiwalay na sila at wala nang balikang magaganap pa?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.