Yes kapatid na Ervin, whether she likes it or not, laging madadamay si Vina Morales sa iskandalong kinakaharap ng kanyang dating karelasyon na si Cedric Lee.
Una, siya kasi ang kunek sa showbiz ng naturang negosyante na sandamakmak pala ang negosyo at sa pagkakabandera ng kanyang mga kasosyso, eh, mukhang may malalim na kaugnayan ang hitad sa mga kontrobersyal na personalidad kagaya ng dating mga opisyal ng militar.
Ikalawa, may mga nai-report nang ulat at record ng dahilan ng kanilang paghihiwalay at pinag-uusapan nga ngayon ang diumano’y pagiging “battered partner” ni Vina noon.
Siyempre sa pag-establish ng karakter ng dating karelasyon ng aktres, sari-sari na ang maglalabasang kuwento tungkol dito.
Mayroon na palang proyekto na ginawa sina Cedric and partners sa San Juan noon, pero dahil umano sa “character” eh, hindi na ito binigyan pa ng ibang projects ng noo’y San Juan Mayor and now Sen. JV Ejercito.
Reading from the Senator’s words, mukhang malaki nga ang kuwestyun sa kredibilidad ng karakter ng diumano’y mastermind sa pananakit kay Vhong Navarro.
Kung mayroon mang pinaka-iingatan ang aktres-TV host-singer ngayon ay ‘yun ‘yung pagbibigay proteksyon sa naging anak nila ni Cedric na for sure ay inaaruga niyang mabuti para maging marespeto at responsableng tao.
Kaya huwag na nating asahan na may pasasabuging bomba si Vina against her ex-partner na si Cedric.
( Photo credit to Google )