Fans ni Kim Chiu botong-boto kay Coco Martin


Halos lahat ng nakakausap naming supporters ni Coco Martin ay botong-boto sa bago niyang ka-loveteam – ang tinutukoy nga namin ay si Kim Chiu na siyang magiging leading lady niya sa tinaguriang epic serye ng ABS-CBN Dreamscape Entertainment na Ikaw Lamang.

Ayon sa kanila, it’s about time na magkatambal ang dalawa dahil matagal na raw nila itong nire-request sa ABS-CBN. Sey nga ng isang loyal fan ni Coco, “Nu’ng gagawin pa lang niya noon ang Juan dela Cruz, talagang si Kim na ang gusto naming maka-loveteam niya, Erich Gonzales is good but we thought Kim was perfect for the role.”

Sey naman ng isang Kim fan, welcome na welcome sa kanila ang pagtatambal ng kanilang idolo at ni Coco, wala raw katotohanan na hindi pabor ang mga loyal supporters ng Prinsesa ng Primetime sa tambalan nila ng tinaguriang Hari ng Teleserye.

Noon pa rin namin nakitaan ng promise ang tandem nina Kim at Coco, nu’ng gawin nila ang seryeng Tayong Dalawa ay talagang umangat ang kalibre ni Kim bilang aktres, pati na rin si Coco – dito nga mas lalong kuminang ang kanyang bituin bilang isa sa mga pambatong leading man ng ABS-CBN.

Kaya nga ngayong unang quarter ng 2014, tiyak na marami na ang nag-aabang sa seryeng Ikaw Lamang kung saan makakasama rin sina Jake Cuenca at Julia Montes.

Base sa mga nakita naming litrato sa social media, tila isang prinsesa ang role ni Kim, habang mula naman sa isang mahirap na pamilya si Coco. Feeling namin si Julia naman ay mula sa isang royal family o tribe na nawalay sa kanyang pamilya, habang si Jake naman ay mula sa isang buena familia na mula sa sinaunang panahon.

Ang Ikaw Lamang ay sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco at mapapanood na very soon sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Read more...