MAY dagdag benepisyo ang PhilHealth para sa mga miyembro nito.
Sa layuning mapalawak ang benepisyo hindi lamang sa mahihirap kundi sa lahat ng sektor o sa lahat ng PhilHealth members, ipa-patupad na nito ang kanilang PCB 2 package.
Sa ilalim ng package na ito, covered na rin ang mga gamot para sa mga may karamdaman gaya ng diabetes, hypertension, at dyslipidemia na pawang lifestyle-related at bunga na rin ng pagbabago sa ating kapaligiran.
Dagdag pa rin sa benepisyong ipinagkakaloob ng Philhealth ay ang pagpapalaganap ng Primary Care Benefit Package o TSEKAP (Tamang Serbisyong Kalusugang Pampamilya) sa sektor ng mahihirap, mga miyembro na nasa organized groups, land-based OFWs at mga kawani ng Departement of Education.
Sa ngayon narito ang ilang sakit o karamdaman na nabibigyang benepisyo na ng Philhealth:
SAKIT O KARAMDAMAN HALAGA NG BENEPISYO
Dengue Fever P10,000 hanggang P16,000
Pneumonia P15,000 hanggang P 32,000
Kidney Transplant P600,000
Coronary Artery Bypass Graft P550,000
Tetralogy of the Fallot o Blue Baby Syndrome P320,000
Childhood Leukemia P210,000
Cervical Cancer P120,000
Breast Cancer P100,000
Prostate Cancer P100,000
Lower Limb Prostheses P15,000
Spontaneous Child Delivery P8,000
Ceasarian Delivery P19,000
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat
sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph o jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa
AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!