Hospital arrest muna kay GMA

PANSAMANTALANG mananatili sa ilalim ng house arrest hanggang Biyernes si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo hanggang sa masolusyunan ang mga isyung iniharap sa korte.

Pinayagan ni Pasay City regional trial court Judge Jesus Mupas na ilagay muna sa house arrest si Arroyo “for humanitarian reasons”.

Kahapon ay kapwa nagsumite ang prosekusyon at depensa ng kani-kanilang mga mosyon, dahilan para kay Mupas na ibinbin ang pagdedesisyon kung iaalis na si Arroyo sa ospital o hindi.

Ipinitesyon ni Jose  Flaminiano, pangunahing abogado ni Arroyo, na hayaan munang manatili ang dating pangulo sa ospital dahil sa hindi magandang kalagayan ng kalusugan nito.

Anya pa, hindi naman umano tutol ang Malacanang rito dahil may direktiba na si Pangulong Aquino na bigyan ng karampatang respeto ang dating pangulo.

Matatandaan na sinabi ng Palasyo na hindi nito tututulan kung sakaling hilingin ng kampo ni Arroyo na i-hospital o i-house arrest ang akusado. -Inquirer

Read more...