Arnold di na nadala, inupakan sa Vhong-Deniece scandal


After Jessica Soho ay ito namang si Arnold Clavio ang binanatan sa social media dahil daw sa pagkiling nito sa mga abogado nina Deniece Cornejo at Cedric Lee over Vhong Navarro’s lawyer.

Sa early morning program daw nangyari ang pambabastos diumano ni Arnold sa abogado ni Vhong. Hindi raw patas ang naging interview ni Arnold dahil hindi pa tapos magpaliwanag ang lawyer ni Vhong ay kaagad na niya itong tinatapos samantalang buong-buo naman na nakakapag-explain ang lawyer nina Deniece at Cedric.

Ang daming negative reactions ang nabasa namin dahil sa inasal ni Arnold.  “Yaw nyang marinig ang katotohanan gusto lang ang panig ng mga sinungaling!!! #Gma7PhilippinesWorstNetwork.”

“Hay naku ganun tlga ang salitang bias s gmewwww my pinapanigan,kya tama lng ako n never manood s kapusucks station. proud to be kapamilya..!!!”

“Akala ko ba walang kinikilingan at walang pinuprotektahan serbisyo totoo lang. lahat bias ang balita nila tungkol sa kaso ni vhong kaya hindi na ako nanood sa GMA eh. Dati nanood ako pag news jan.”

Ilan lamang ‘yan sa mga pananaray na nabasa namin. Sa tindi nga ng galit ng isang nagkomento ay ito ang nasabi niya: “Dapat wag na tayong manood ng gma… okay pa sa tv5 nlang.. boykot ung gma.”

Naku, ano kaya ang masasabi ni Arnold dito? Teka, parang kailan lang ay naging isang malaking issue ang pambabastos naman niya sa lawyer ni Janet Napoles. Hindi na ba siya nadala?

Ito namang si Jessica, napilitan sigurong magpaliwanag dahil ang daming nam-bash sa kanya after her controversial comment sa CCTV footage ng nangyari kay Vhong Navarro.

Marami kasi ang naasar kay Jessica when she seemingly doubted the credibility of the CCTV footage when she said, “I don’t know if itong video na kuha sa lobby ng condominium will amount to anything much.”

Many were thinking that she’s biased since Vhong is from a rival network. Aware that she’s been bashed, Jessica issued a statement which read: “Dito po sa State of the Nation kagabi (January 28), sa ulat ng aming reporter na si John Consulta, naipuntos ang maikling time intervals sa pagdating sa lobby ng condominium ng mga taong sangkot sa kaso ngayon ni Vhong Navarro.

“Lumabas din sa aking Q and A o question and answer kay John Consulta na importanteng ebidensiya ang CCTV footage para sa imbestigasyon ng NBI.

“Nabanggit ko rin na ang CCTV ay tila naaayon sa naunang pahayag ni Vhong Navarro tungkol sa nangyari sa kanya.
“Katulad po ng aming pagbabalita sa panig ni Vhong Navarro, ibinabalita rin po namin ang panig nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, at ang iba pang mga may kaugnayan sa kaso.

Makakaasa po kayo na ang GMA News ay nananatiling walang kinikilingan at patas sa pagbabalita.”

( Photo credit to Google )

Read more...